Tuesday, November 24, 2009

Ang Hari

ni: Mark Levi Martin


May isang kaharian sa isang malawak na isla ng Kinodifro. Ang kahariang ito ay may isang haring walang pamilya. Ang itinuturing lang niyang pamilya ay ang mga labing dalawang kawal at siyam na katulong. Ang haring ito ay si haring Solomon.

Isang araw nalungkot ang hari. At meron siyang ibinubulong sa sarili "ano kaya ang gagawin ko? Hindi ko pa nakikita ang mga iba't ibang isla." Nagpasya ang hari na pumunta sa isang isla na may mga mraming tao. "Kawal, luluwas ako mamaya." Sabi ng Hari. "Saan po kayo pupunta mahal na hari?" ang sagot ng kawal. "Pupunta ako sa isang isla na hindi ganito ang suot ko at dapaty wala akong kasama." Sabi ng hari. Pinalitan na ng hari ang kanyang damit ng isang damit pang-alipin. Lumuwas na ang hari papunta sa isla.


Noong andoon na siya, pumunta siya sa isang bahay at siya ay kumatok at sinabing, "Tao po, pewde po humingi ng tubig kasi uhaw na uhaw na po ako. Ipinagtabuyan ng may-ari ng bahay ang hari. Ganun din sa mga sumunod na pinuntahan ng hari na bahay. Nalungkot ang hari. May mga tatlong nag-uusap at ang sabi nila, "Bukas na ang pista natin. At iimbitahan daw natin ang hari ng Kinodifro, at haring Solomon raw ang pangalan."
Narinig ng hari ang pinag-uusapan ng tatalo at dali-dali siyang umuwi.


"Mga kawal, nabalitaan ko na inimbitahan daw ako sa isang isala." Sabi ng hari. "Opo mahal na hari bukas raw po pupunta na tayo doon." sagot ng kawal. Kinabukasan pumunta na si haring Solomon sa isala kasama ang kanyang mga kawal. At noong siya ay umakyat sa entablado ay nagulat ang lahat dahi; hildi sila makapaniwala sa nakikita nila. Nahihiya na ang mga tao sa isla. Natutunan ng mga tao na "Tulungan ang mga nangangailangan ng tulong bata, matanda, mayaman o hindi."

Monday, October 19, 2009

Mga Pamilyang Ma-pride by:Hazel Mae Fabian


Sa malayong bayan ng San Nuha ay may isang pamilyang naiiba sa lahat ng tao na nakatira doon. Hindi maintindihan ng mga tao kung bakit ganoon kasama ang kanilang pagkatao. Sila ang sinasabing pinakamayaman sa kanilang lugar.
          Si Don Rey ang nagpapatakbo ng hacienda kasama ang asawang si Donya Luz. Nasa ikaapat na taon naman ng hayskul ang kanilang anak na kambal. Ngunit maraming bagay silang hindi napagkakasunduan dahil gusto ni Rhea na nakaaangat siya sa kanyang kambal na si Lhea. Kung gaano sila kayaman ay ganun din sila kasama.
            “Mommy sino na naman ba iyang mga lumipat sa tapat ng bahay natin?” tanong ni Lhea isang umaga.
            “Oh, I don’t know iha, don’t mind them” sagot ni Donya Luz.
            Ang pamilya Ayala ay katulad din ng pamilya nina Don Rey at Donya Luz, sila ang mga lumipat sa harap ng bahay nila.
            “Hon, see that ugly house before, napakaganda na ngayon, hmm.” Saad ni Donya Luz habang nasa hardin sila ng Don.
            “Yeah, mukhang mas maganda at mas malaki iyan kesa sa bahay natin.” Sagot ni Don Rey habang nagbabasa ng diyaryo.
            “Hindi ako papayag, hon let’s renovate our house, let’s make it more elegant, please.” Pakiusap ng Donya.
            Kung gaano kasama at kayaman ang pamilya Vicente (pamilya nina Don Rey at Donya Luz) ay ganoon rin ang pamilya Ayala.
          Isang araw ay hindi inaasahan ng dalawang pamilya na magkita sa isang party. Hindi nila pinansin ang isa’t isa. Hanggang sa magsabay silang umuwi.
            “Tingnan mo nga naman, ang alam ko ang mga sosyal at mayayaman lang ang dumadalo sa isang party” nagtataray na sabi ni Donya Luz.
            “Aba! Nagsalita ang mukhang mayaman, bakit sino ka ba sa akala mo? Hindi naman ikaw ang nagtatrabaho para magkaroon ka ng ganyang bahay” sagot ni Mrs. Ayala.
            “Ma let us go na, we’re just wasting our time to them, ugh! I’m tired” sabat naman ni Rhea at hinila ang kanyang mommy sa loob.
            Hindi tumigil ang dalawang pamilya sa pag-iiringan at maging sa padamihan ng luho sa bahay. Walang araw na hindi nagpaparinigan ang mga ito. Araw-araw na lang nabibingi ang mga nakapaligid sa kanila. Palibhasa kasi’y masyado silang mapride, wala ni isa sa kanila ang gusting magpatalo.
          Pati sa negosyo ay magkakompetensya ang pamilya Vicente at Ayala.
          Nagpatuloy sa bangayan ang mga ito hanggang dumating ang isang pangyayari na hindi nila inaasahan.
          Namatay si Don Rey sa isang krimen at naaksidente naman si Mr. Ayala sa sinasakyang eroplano. Kasabay nito ang pagbagsak ng kompanya ng dalawang pamilya. Sa kadahilanang marami raw ang natatanggap na mga feedbacks tungkol sa awayan nila kaya naman umurong ang kani-kanilang kliyente.
          Hindi parehong makapaniwala sina Donya Luz at Mrs. Ayala sa kahihiyan na sinapit nila.
            “Oh! Ano ngayon ang napala ng dalawang donyang iyan? Wala! Paano naman kasi sa sobrang kayabangan sunod-sunod na ang kanilang malas at karma” sabi ng mga ale na nag-uusap sa tindahan.
            Masarap nga ang mabuhay na mapera ngunit hindi natin alam kung hanggang kalian ang masaganang buhay na ito. Lalo na kung masama pa ang ugali mo.
Mapayapang Anak
(Isang Parabula)



May isang anak na mapayapa at mapagmahal na nakatira sa malaking mansion. Maagang naulila ang anak. Ang anak na ito ang papupuntahan ng pamana ng kanyang ama. Samantala, isang masungit na madrasta ang gustong palayasin ang anak dahil sa pamana ng namayapang asawa. Plano rin ng madrasta na pagbintangang magnanakaw ang anak. Isang gabi,nakita ng anak na nagnanakaw ang kanyang madrasta ng dokumento sa pamana ng kanyang namayapang ama. Tumawag ang anak sa mga pulis upang hulihin ang madrasta. Nung nasa pulisya sila, inamin ang madrasta na siya ang pumatay sa kanyang namayapang asawa. Dahil doon, pinatawad ang anak ang kanyang madrasta.




Aral:
Huwag magbintang ng ibang tao na hindi niya kayang gawin.





Ipinasa ni:
Maru Austin I.Hilario
IV-ZODIAc



Kaibigan;Kamatayan

ni: Joemar Bueno



Sa isang maaliwalas na baryo ay may dalawang magkaibigan na sina Gaake at Shinuke.


Sila ay magkaibigan simula pagkabata. Isang habang patungo sa paaralan ang magkaibigan ay may nakabunggo si Gaake na babae na nagngangalang Nancy. Sa unang pagkikita ni Gaake dito ay halos mahulog na ang kanyang mga mata dahil sa angking ganda ni Nancy ngunit si Nancy naman ay na love at first sight kay Shinuke.

Si Gaake ay agad agad tinanong ang pangalan ng babae at sa kung anong pangkat kabilang ito. Sinabi naman ng babae na siya si Nancy ngunit biglaan ang pagring ng bell kaya din a nalaman ni Gaake kung saang pangkat kabilang si Nancy. Nagsimula na ang kanilang klase ngunit itong si Gaake ay wala sa pokus mag-aral puro Nancy ang nasa-isip. Di alam ni Shinuke ang gagawin kaya bigla niyang piningot sa tenga si Gaake at sinabing magkonsentreyt muna sa pag-aaral. Hindi naking si Gaake hanggang sa natapos na ang kanilang klase.


Pinilit ni Gaake si Shginuke na hanapin si Nancy, ayaw sana ni Shinuke kaso naawa siya kay Gaake. Nahanap ng magkaibigan ang babae st biglang natorpe si Gaake, di makapagsalita basta nakikita niya si Nancy.


Makalipas ang ilang linggo na di makapagsalita i Gaake, ay biglaan ang paglapit ni Nancy kay Shinuke at pinagtapat niya na mahal niya ito. Nabigla si Shinuke gustuhin niya mangtumanggi ay di niya magawa dahil bigla itong hinlikan ni Nanvy.


Napansin ni Gaake na nagkakamabutihan na ang dalawa di niya alam ma magkasintahan na pala sila. Lumipas ang ilang araw ay nalaman din ni Gaake kaya ilang lingggo din siyang hinde pumasok sa skul.


Di alam ni Shinuke kung gaano kaskit ang nagawa niya kay Gaake. Bigla nalang niyang nabalitaan na patay na pala ang kanyang matalik na kaibigan. Naghinagpis si Shinuke at nagawa siya ng malaking gulo pinagbabagsakan niya ang salamin ng bawat sasakyan na kanyang makasalubong.


At nang makarating na siya sa burol ni Gaake ay biglaa siyang nag-agaw eksena pinutok ang hawak na baril sa taas at sinabing "kaibigan patawarin mo ako sa nagawa ko sa iyo, ito ang tanda nang aking pagsisisi" limapit ito sa kabaong at bigla niya pinutok ang baril sa kanyang sarili. Namatay si Shinuke sa tabi nang kabaong ni Gaake at nilibing sila magkatabi din ang puntod.


ARAL:
  • Huwag agad sukuan ang mga problemang pinagdadaanan.
  • Hindi solusyon ang pagkakamatay sa isang problema.

INGGITERA

ni: Sarah Mae Agcaoili

Sa isang nayon may tatlong matatalik na magkaibigan. Sila ay sina Chelsea,Chesca at Cheena. Araw-araw silang magkakasama at halos ayaw na nilang maghiwa-hiwalay. Si Chelsea ang pinakamayaman sa kanilang tatlo. Halos araw-araw ay may bago siyang mga gamit at binibilhan niya sina Chesca at Cheena ng kagaya rin ng sakanya. Dahil ang gusto niya, kung anong meron siya ay dapat meron din ang kanyang mga kaibigan. Si Chelsea bukod sa mayaman siya rin ay mabait at mapagkumbaba. Mahal na mahal niya ang kanyang pamilya lalong lalo na ang kanyang mga kaibigan. Si Chesca naman ay may kaya sa buhay. Siya ay mapagmahal,masipag at maunawain na anak at kaibigan. Lagi niyang sinusuportahan ang kanyang mga kaibigan at siya ang Clown sa kanilang grupo. Si Cheena naman ay mahirap. Siya ay hindi kuntento sa kung anong meron siya. Ang gusto niya ay siya palagi ang sikat.
Habang binibigay ni Chelsea ang mga damit na binili niya pra kina Chesca at Cheena. Hindi alam ni Chelsea na may namumuong galit na pala sa kaniya si Cheena. Dahil sa naiinggit si Cheena sa kanya. Ang gusto ni Cheena ay magkaroon siya ng mas magagandang mga gamit at mas magarbong kasuotan kesa kay Chelsea. Pero wala siyang pambili. Sumagad ang galit niya kay Chelsea. Sa galit niya,siniraan niya si Chelsea sa lahat ng tao. Naging masama ang tingin ng mga tao kay Chelsea. Nag tanong si Chesca sa iba niyang mga kaibigan kung bakit galit sila kay Chelsea. Sinabi nila na inaalipusta daw ni Chelsea si Cheena. Tinanong din ni Chesca kung sino ang nagsabi sa kanila ang mga kasinungalingang iyon. Sinabi nila na si Cheena mismo ang nagkwento sa kanila ang mga ginagawa ni Chelsea sa kaniya. Agad agad na pinuntahan ni Chelsea at Chesca si Cheena. Tinanong ni Chelsea kay Cheena kung bakit niya iyon nagawa. Sinabi ni Cheena ang rason at humingi siya ng tawad kay Chelsea. Dahil sa pinapahalagahan ni Chelsea ang kanilang pagkakaibigan pinatawad niya si Cheena. At sila'y naging magkakaibigan ulit.

Mga Aral:
-Makuntento sa kung anong meron ka.
-Maging tapat ka sa iyong mga kaibigan
-Huwag maging inggitera dahil ito ang sisira sa pagkakaibigan.

Tuesday, September 29, 2009

Milagro

ni: Cindy G. Gonzales

“Kapag matibay ang pananalig sa Panginoon, asahan mo’t ikaw ay Kanyang bibiyayaan.”

Muling tumawid si Hesus sa ibayo. Nasa baybay pa Siya ng lawa ay pinagkalipumpunan sa Siya ng maraming tao. Dumating ang isang lalaking nagngangalang Jairo, isang tagapamahala ng sinagoga. Pagkakita kay Hesus, siyay nagpatirapa sa Kanyang paanan, at ang samo: “Agaw – buhay po ang anak kong dalagita. Kung maaari, sumama Kayo sa akin. Ipatong Ninyo sa kanya ang inyong kamay upang siya’y gumaling at mabuhay!”
Sumama naman si Hesus. Sinundan Siya ng napakaraming taong nagsisiksikan, halos maipit na Siya.
May isang babae roon na labindalawang taon nang dinurugo at lubhang nahihirapan. Marami nang manggagamot ang tumingin sa kanya. Naibenta na niya ang kanyang ari – arian sa pagpapagamot. Ngunit hindi siya napabuti, kahit kaunti bagkus ay lalong lumubha. Narinig niya ang sinasabi ng mga tao tungkol kay Hesus. Kayat nakipagsiksikan siya hanggang sa makalapit sa likuran ni Hesus. Hinipo niya ang Kanyang damit. Sapagkat sinabi niya sa sarili, “Mahipo ko lang ang Kanyang damit ay gagaling na ako.”
Biglang tumigil ang kanyang pagdurugo. Naramdaman niyang magaling na siya. Naramdaman naman ni Hesus ang kapangyarihang lumabas sa Kanya. Bumali Siya sa mga tao at nagtatanong, “Sino ang humipo sa Akin?”
Sumagot ang Kanyang alagad. “Napakaraming tao, mahirap pong makatukoy kung sino ang humipo sa Inyo.”
Subalit patuloy na luminga – linga si Hesus. Hinahanap ang humipo sa Kanya. Palibhasa’y alam ng babae ang nangyari, siya’y nanginginig sa takot na lumapit kay Hesus. Nagpatirapa at ipinagtapat ang buong katotohanan.
Sinabi sa kanya ni Hesus, “Anak, pinagaling ka ng iyong pananalig sa Akin. Umuwi ka na’t ipanatag mo ang iyong kalooban. Lubusan ka nang magaling sa iyong karamdaman.”
Nagsasalita pa si Hesus nang may ilang dumating mula sa bahay ni Jairo.
“Patay na po ang anak ninyo, “sabi nila. “Bakit pa kailangang gambalahin ang Guro?”
Nang pinansin ni Hesus ang kanilang sinabi. Sa sinabi Niya sa tagapamahala, "Huwag kang Manalig pa!”
Ngunit ng dumating si Pedro at ang magkakapatid na Santiago sila’y agad na nagtungo sa tagapamahala at doon nakita ni Hesus na gulung – gulo ang mga tao. May mga nananangis at nananaghoy.
Kanyang sinabi, “Bakit kayo nagkakagulo at nananangis? Hindi patay ang bata. Natutulog lamang!”
Pinagtawanan siya ng mga tao. Pinalabas Niya ang lahat, maliban sa magulang ng bata at isa sa tatlong alagad. Sila’y pumasok sa kinaroroonan ng bata. Hinawakan Niya ito sa kamay at sinabi, “Talita kumi,” na ibig sabihin’y “Ineng, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka!”
Ilang sandali, bumangon ang bata at lumakad. Namangha ang lahat
Mahigpit na ipinagbilin ni Hesus na huwag ipapaalam ito kaninuman. At iniutos Niyang bigyan ng pagkain ang mga bata.
Ang mga nakasaksi sa himalang naganap ay taos pusong nanalig kay Hesus.

Tuesday, September 15, 2009

Kabaitan ng Mag- ina ni Jessa Valerie Balanay

Sa isang liblib na baryo, may nakatirang mag- inang walang wala sa buhay. Ang tanging ikinabubuhay nila ay ang pagpupulot ng mga butil ng bigas. Lalong- lalo na kapag anihan. Iniipon nila ang mga butil ng bigas dahil ito ang kakainin nila. Dahil konti lamang ang napupulot nila, pinatitiyagahan nila itong tinatanggalan ng balat. Maaga rin silang umuuwi dahil wala silang kuryente. Nagtitiyaga lamang sila sa ilaw ng lampara. Hindi sila masyadong lumalabas dahil mamaliitin lamang sila. Tinitiis nila angb sinasabi ng mga tao dahil alam nilang wala silang ginagawang masama. Ang nasa isip lamang nila ay mabuhay ng payapa at masaya.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang babaeng pagod na pagod at mukhang hindi pa kumakain ng kumatok sa kanilang munting bahay. Pinapasok nila ito at tinanong kung ano ang kanyang kailangan. Sinabi ng babae na gutom na gutom na siya kung kaya’t ibinagay na lamang ng ina ang kanyang kakainin sa babaeng gutom. Kinaumagahan, dali- daling umalis ang babae at ang tanging sinabi niya ay, “Salamat po ng marami, balang araw babalik ako ditto. Tinatanaw ko itong malaking utang.” “Walang anuman ito anak.” Sambit ng matandang babae.
Isang malaking problema ang dumating sa buhay ng mag- ina. Nagkasakit ang bata. Hindi alam ng ina kung ano ang kanyang gagawin sapagkat wala siyang alam na pagkukunan ng pera para pampagamot. Lumapit siya sa kanyang mga kapit- bahay ngunit isa lang ang sagot nila, “Hayaan mo na ang anak mo mamamatay din siya.” Tumulo ang luha ng ina at hindi tumigil sa paghahanap ng tulong. Laglag ang kanyang balikat dahil wala man lang tumulong sa pagpapagamot ng kanyang anak. Nang nakarating na sa kanilang bahay ang ina, laking gulat ang matanda dahil wala doon ang kanyang maysakit na anak. Halos mabaliw siya sa paghahanap. Nagtanong- tanong siya sa kanilang kapitbahay hanggang may isang taong nakapagsabing may pumuntang babae sa kanilang bahay at kinuha ang kanyang anak. Humagulgol ng malakas ang ina at sinabing, “Anak ko! Patawarin mo ako at hinayaan kitang makuha ka ng taong hindi mo kilala. Hahanapin kita.” Hindi nagtagal ay dumating ang babae kasama ang masigla niyang anak. Yumakap ang bata at nasambit niya, “Nay magaling na ako. Tinulungan ako ng babaeng yun.” Sabay turo sa babae. “Binabalik ko lang po ang kabutihang ipinakita ninyo sa akin noong kailangan ko ang inyong tulong. Alam kong hindi pa sapat iyon dahil buhay ko ang inyong iniligtas.”
Sa bandang huli, tinulungan ng babae ang mag- ina. Kinuha niya ang mag- ina para doon na sa kanyang bahay manirahan. Hindi niya itinuring na katulong ang mga ito. Kundi itinuring niya itong parang kapamilya na rin niya. Pinag- aral niya ang bata at binihisan niya ang mag- ina ng magagandang damit. Hindi naman sinamantala ng mag- ina ang kabutihan ng babae.

Aral:
• Ang kahirapan ay hindi hadlang sa pagtulong sa kapwa.
• Ang mabuting gawa ay may kapalit na gantimpala.

Ang Kambal at ang Regalo

ni: Princess Regine Andres

Maligaya sina ginoo at ginang Angeles dahil nagkaroon sila ng kambal na anak. Ito ay sina Akisha at Shakira. Parehong taglay ang kakaibang kagandahan. Sila rin ay parehong magaling at matalino sa kanilang klase. Marami na silang natamong karangalan. Halos lahat ng bagay ay pareho sila maliban lang sa isang bagay ito ay ang ugali.
Kambal nga silang dalawa ngunit iba ang kanilang mga ugali. Si Akisha ay mabuting dalaga at magalang siya kahit kanino. Siya ay mapagkumbaba. Hindi siya mapili ng kinakaibigan mayaman man o mahirap basta mabait kaibigan niya ito. Hindi niya ginagamit ang kanyang pagiging mayaman ng kahit ano. Masinop siya sa paggasta ng kanyang pera. Samantala si Shakira ay ubod ng maldita. Siya ay suplada at mayamang tulad niya ang kanyang kaibigan. Mahilig siyang gumasta ng kahit hindi mahalagang gamit gaya ng mahal na damit, branded na sapatos at iba pang nakakapagpasaya sa kanya.
Isang gabi habang sila’y naghahapunan kasama ang kanilang mga magulang ay biglang nagsalita si Shakira.
“Ma, Pa, kailangan ko ng pera wala na kasi akong pera.” Ang sabi niya na walang pag- aalinlangan.
“Bakit wala ka nang pera? Binigyan naman kita ng buo mong alawans ngayong buwan?” galit na tanong ng kanyang ama.
Hindi agad nakapagsalita si Shakira ngunit sa huli ay nakaisip siya ng dahilan. Sinabi niyang marami siyang babayarin sa kanilang paaralan.
Nagulat si Akisha sa sinabi ng kanyang kapatid dahil sa kanyang pagkakaalam ay wala pa silang binabayaran kahit sentimo. Kaya nga tinanong ng kanyang ama kung totoo nga ang kanyang sinabi ngunit nagsinungaling siya upang hindi mapagalitan at mapasama ang kanyang kapatid. Sa sagot ni Akisha ay naniwala na ang mag- asawa. Dahil lahat ng mga sinasabi ni Akisha ay agad silang naniniwala dahil alam nilang siya’y mabuting anak.
Isang araw naisip ng mag-asawa na malapit na pala ang kaarawan ng dalawa. Nagpasya sila na magkaroon ng sorpresang party para sa kanilang mga anak.
“Ano pala ang regalo natin sa kanila?” ang tanong ni G. Angeles sa kanyang asawa.
“Kay Akisha wala tayong problema, kung ano ang ibigay natin sa kanya masaya na siya. ” sagot niya.
“Paano si Shakira?” dagdag na tanong ni G. Angeles.
Hindi na nakasagot si Gng. Angeles kundi napatingin siya sa taas at biglang ngumiti. Napaisip ang kanyang asawa kung ano ang ginagawa ni Gng. Angeles.
Dumating na nga ang araw ng kanilang kaarawan. Sina Akisha at Shakira ay masayang- masaya sa sorpresang ibinigay ng kanilang mapagmahal na mga magulang. Nakabihis ng mapulang bestida na napapalanutian ng mga kumikislap na mga bato si Shakira samantala simpleng puting bestida lang si Akisha.
Maraming bisitang dumating sa party na iyon at mga mayayaman ang karamihan, may kaunting mahihirap na mga bisita lamang ni Akisha.
Oras na para ibigay na ang kanilang mga regalo. Ipinatawag ng kanilang magulang sina Akisha at Shakira. Hindi maipinta ang kaligayahang nadarama ng magkapatid.
At nang nasa loob na sila ay nandoon ang dalawang kahon na magkaiba ang balot na nakalapag sa salamin nilang mesa. Ang isang kahon ay nabalutan ng magandang disenyo at talaga namang makaagaw ng pansin, at ang isang kahon ay ordinaryo at simpleng balot lamang.
“Ma hindi niyo pa ba ibibigay ang regalo niyo sa amin?”ani ni Shakira.
Nagsalita ang kanilang ina, siya ay tumayo at sinabing,
“Hindi ako ang mismong magbibigay ng iyong mga regalo, narito ang dalawang kahon at kayo ang bahalang mamili nito.”
Gaya nga ng kanilang inaasahan si Shakira ang unang namili at pinili niya ang magandang kahon dahil sa palagay niya maganda rin at mamahalin ang laman nito. Walang nagawa si Akisha kundi kunin ang naiwang kahon at kahit naman siya ang mauuna ang simpleng kahon pa rin ang kanyang pipiliin.
Sabay na nilang binuksan kung ano ang laman ng kanilang mga piniling regalo. Hindi mawala ang ngiti sa mukha ni Shakira. Pagkabukas niya nito ay nagulat siya sa laman ng kanyang regalo. Isang alkansya na dahilan ng pagkawala ng kanyang kasiyahan samantala isang maganda at nagniningning na kwitas kay Akisha.
Napaisip si Shakira kung bakit niyon ang bigay sa kanya na regalo at pagkaraan ng ilang minuto napagtanto niya at sabay sabing, “Kaya naman pala.”
Si Akisha naman ay masaya sa kanyang natanggap na regalo ngunit hindi niya ito ipinagmamayabang sa kanyang kapatid at kahit kanino man.


Hindi sa panlabas na anyo nakikita ang kagandahan ng isang bagay o isang tao.

Sulat tungo sa Pagbabago

ni: Gracian Faith Gumallaoi

“ Kinakalaban niya talaga ako ng walang hiyang haring iyan. Hindi naman niya ibinigay ang sulat kung saan nakasaad kung paano makapunta sa lugar na pagkukunan ng kayamanan. Kamatayan lang ang dapat sa kanya,” galit na isinigaw ni haring Kingston.

Sa isang kaharian ng Gardenia, may isang hari na nagngangalang Kingston. Malupit ito sa kanyang mga tauhan at mga alipin. Kaya naman sa bawat agaw ng kanyang mga tauhan pinagbubutihan nila ito. Si Redo ay isa sa mga tauhan ni haring Kingston. Siya ay matagal nang naninilbihan at tapat ang kanyang paglilingkod sa hari. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ng hari dahil sa kanyang magandang serbisyo.

Niyaya ni haring Kingston si haring Minus para sa isang usapan. Isang araw nagkita nga ang dalawa. Si haring Minus ay pinsan ni haring Kingston na siya ang namumuno din sa kabilang kaharian. Si Minus ay matagal ng nagseselos kay Kingston dahil mas maunlad ang kaharian ni haring Kingston kumpara sa kanya.

“Niyaya kita para tayoý mag-usap dahil nababalitaan ko na alam mo daw kung nasaan nakatago ang mga kayamanan”,sinabi ni haring Kingston kay haring minus.

“hindi ko alam ang iyong sinasabi”, sagot agad ni Minus.

“Huwag ka ngang magka-ila alam ko na alam mo kung nasaan ang mga ito. Kaya hanggang maaga pa sabihin mo na kung nasaan ang mga ito”,sumbat nanaman ni Kingston.

“Hindi ko talaga alam. Wala kang makukuhang sagot na galing sa akin”

“Kung hindi mo ito sasabihin kung nasaan ang mga ito, pagkatapos ng limang araw papatayin kita at ang mga tao dito. Sisirain ko pa ang iyong kaharian”, galit nag alit na sinabi ni Kingston para bantaan si Minus.

Hindi nakasagot si Minus at napatunganga siya. Agad naman na umalis si haring Kingston.

Natakot ng husto si minus. Kaya naman pagkaraan ng isang araw nagsulat siya para sabihin kung nasaan ang kayamanan. Inutusan ni haring Minus ang kanyang tauhan para ibigay ang sulat kay haring Kingston.

“halika dito ibigay mo ang sulat na ito kay haring Kingston. Dapat siya lang ang makabasa nito”, utos ni Minus sa kanyang tauhan.

Pinapunta ang kanyang tauhan ang palasyo ni Kingston. Ibinigay ang sulat kay Redo para ibigay sa hari. Sinabi niya na dapat ang hari lang ang makabasa nito. Habang nasa daan si Redo patungo sa trono ng hari para ibigay ang sulat. Gusto niyang basahin ito. Nagtataka kasi siya kung bakit ang hari lang ang pwedeng makabasa nito.

“Basahin ko kaya ang sulat na ito? Baka may itinatago ang hari”, tungon niya sa kanyang sarili.

Kaya imbes na dumeretso patugo sa trono ng hari pumunta siya sa kanyang kwarto at dalidaling binasa ito. Binasa niya ito ng taimtim at palihim. Nakasaad sa sulat na ang kayamanan ay nasa gilid ng bundok ng adventura. May pananda itong malaking puting bato. Doon mahahanap ang mga kayamanan.

“tama pupuntahan ko iyon bukas. Kailangan ko talaga ang pera ngayon para mapagamot ko na ang aking pinakamamahal na asawa”, taimtim na na kinakausap sa kanyang sarili.

Madaling araw pa lamang ay pinuntahan niya ang nasabing lugar. Hinanap niya ito sa bundok adventura. Pagkatapos ng masinsinan na paghahanap na kita na niya ito at dalidaling pinuntahan. Pagkarating sa lugar na iyon….

“tulong!!!tulungan ninyo ako”, malakas na sigaw ni Redo.

Hindi maka-ahon si redo sa butas na kanyang kinalalagyan. Palaging sigaw ng siagaw ng tulong pero walang nakakarinig sa kanya. Hanggang siyaý nanghihina at gutom na gutom. Mag-iisang araw na siya sa butas na iyon at may isang taong nakakita sa kanya. Iniahon niya ito sa butas at idinala sa kanyang bahay na malapit lang sa pinangyarian nito.

Äno ba ang nagyari sa taong ito. Nanghihina na siya. Kailangan magamot siya sa madaling panahon”, sabi ng matanda sa sarili.

Binihisan niya ito at nilapatan ng mga gamot. Pagkatapos ng limang oras siyaý nag-kamalay at gusto na niyang bumalik sa palasyo ni haring Kingston.

“huwag ka munang pumunta doon. Hindi mo pa ito kaya”, bilin ng matanda kay Redo.

Hindi nga siya pumilit pero may plano siya na aalis kinabukasan.

Madaling araw pa lamang ay nagpa-alam na siya sa matanda. Kahit hindi pa magaling ang kanyang mga sugat ay pinilit niya talaga ito.

Nakatungtung nga siya sa palasyo ng hari at ipinagtapat ang lahat ng nangyari.

“mahal na hari, ang sulat po na ibinigay ni haring Minus paras a iyo ay…”,hindi naituloy na sinabi ni Redo.

“nasaan ang sulat. Dali ibigay mo na sa akin. Importante iyon”,nagmamadali na sinabi ni Kingston.

“kaya nga po marami akong sugat ngayon dahil pinakialaman ko ang iyong sulat. At pinuntahan ko ang nasabing lugar na ito at ito ang aking napala. Isa pala itong patibong na kagagawan ni haring Minus”, ipinaliwanag ni Redo.

Napaisip-ang hari.

“kung ganon pala trinaydor ako ni haring Minus. Walang hiya ang haring iyon. Kailangan siyang bigyan ng liksyo”,sabi ng hari.

“Pero bakit mo namang nagawang pakia-laman ang aking sulat?”,tanong ng hari.

“Kasi po may sakit ang aking asawa at kailangan na siya ay mapagamot sa madaling panahon. Kaya naman noong nabasa ko ang sulat tungkol sa kayamanan pinuntahan ko ito nagbabasakaling makakuha sa isa sa mga ito. Pero ito ang aking napala”, paliwanag ni Redo.

“Naiitindihan kita. Ito tanggapin mo ang pera paras a iyong asawa”, sabi ng hari.

“maraming salamat po”,sagot ni Redo.

“Ngayon na pag-isip isip ko na na hindi ko na kailangan ng maraming kayamanan. Hindi ko na guguluhin si Minus. Bahala na siya sa mga kayaman, dahil siya naman talaga ang nag-mamay-ari ng mga ito”,sabi ni haring Kingston.

Nagyakapan ang dalawa.

ARAL:

Ang paggiging pakialamero o paggalaw sa isang bagay na hindi naman mo naman pag-aari o hindi naman paras a iyo ay nagbibigay ng kapahamakan sa iyo at maaaring makitil pa ang iyong buhay dahil dito.

Ang Pulubi at ang Matandang Dalaga

ni Traisy Mici Canales

“Ano ba? Hindi ba’t sabi kong itali niyong mabuti ang inyong mga kambing! Abay kinakain na nila ang mga pananim ko, mas mahal pa ang halaman na iyan kaysa sa buhay niyo!”
“Pasensya na po talaga Donya Ageda,” ang pagpapaumanhin ni Aling Mena. Ganyan kung ipahiya ng Donya ang kanyang mga kapitbahay. Wala siyang pinipiling salita, nakakasakit man ito, kanya pa ring sinasabi. Bata man o matanda wala siyang pinipiling edad. Laki sa magara at mala-palasyong bahay si Donya Ageda. Sa kanila ng maginhawang buhay na ito nababalot siya ng kalungkutan sapagkat siya’y mag-isa at wala nang pamilya. Nais man siyang kaawaan ng tao ay mas pinipili na lamang nilang manahimik dahil sa kasamaan ng ugali nito. Masungit, maramot at walang awa si Donya Ageda. Kahit bunga ng punongkahoy lamang na tumutubo sa kanyang bakuran ay kanyang ipinagdadamot. Kahit na magmakaawa ang kanyang mga kapitbahay upang humingi ng tulong ay wari wala siyang naririnig at nagbubulag-bulagan. Wala ni isa man sa kanila ang makalapit ng diretso sa Donya dahil nangangamba sila na baka pagsalitaan lamang sila ng masasakit nito. Wala siyang maituturing na kaibigan dahil mismo siya, ayaw niyang lapitan ang kanyang mga kapitbahay.
“Hindi ko aaksayahin ang panahon ko upang makipag-usap sa mga pulubing iyan. Igugugol ko na lamang ang aking panahon sa pagmasid s' aking palasyo.” Ang sa isip ng Donya habang nakaupo siya sa malambot niyang sofa.

Isang bagyo ang sumalanta sa kanilang pook. Mag-iisang linggo na ay hindi pa rin tumitila ang ulan. Lubog na sa baha ang mga bahay ng mga tao maliban sa bahay ni Donya Ageda. Naglakas-loob ang isa sa matandang lalake upang humingi ng tulong sa Donya. Kinatok niya ng kinatok ang mala-higanteng bakod ng bahay ng Donya. Lumabas ang Donya na galit na galit.
“Ano bang klase ng tao ka at nangingistorbo sa pagpapahinga ng isang Donya na kagaya ko?” galit na wika ng matanda. “Parang awa niyo na po, tulungan mo kami Donya Ageda. Lubog na sa baha ang aming tahanan. Maari ba kamimg makisilong sa inyong bahay?” pagmamakaawa ng lalake.
“Ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin iyan, matanda! Hindi pugad ng marurumimg tao ang aking tahanan na basta niyo na lang titirhan!” sabay sara ng pinto. Walang nagawa ang mga tao kundi umalis ng bigo. Sumunod na kumatok ang isang matandang babae na gusgusin at mabaho. Sinadya na si Donya Ageda upang makahingi ng makakain dahil gutom na gutom siya at kasabay pa ng pagbugso ng malakas na ulan. Galit naman na binuksan ng Donya ang pinto ng kanyang bakod at nagwika “Ano na naman?” galit na sigaw ng Donya.
“Kung maari lamang po ay bigyan niyo ako ng kahit kaunting makakain. Gutom na gutom na ako.” Pagmamakaawa ng matanda.
“At sino ka upang bigyan kita ng pagkain? Lumayas ka nga at ang baho-baho mo!” pagtataboy ng Donya. Nagmakaawa ang matandang pulubi ngunit dali-daling nang isinara ng Donya ang pinto. Kinagabihan inapoy ng lagnat ang Donya dahil sa matinding lamig ng panahon. Mataas ang kanyang lagnat at hindi na siya makabangon upang kumuha ng makakain. Ang akala niya’y mamamatay na siya ng biglang may pumasok sa kanyang silid. Laking gulat niya ng makita ang matandang dalaga na may dala-dalang mainit na sabaw. Magagalit sana siya ngunit wala na siyang lakas upang gawin pa ito. Pinakain siya ng pulubi at kanya itong naubos. Pagkaubos sa sabaw ay lumakas na siya.
“Maraming salamat, patawarin mo ako kung naging maramot ako sa iyo. Ngayon ko napagtanto ang aking kamalian. Alam ko na mali ako, maraming salamat.” at napahagulhol na ang Donya.
“Wala ito, masaya ako at alam mo na ang tama.” at niyakap na niya ang Donya.

ARAL:
1.) Matutong tumulong sa mga nangangailangan lalo na kung nasa iyo ang kapasidad na tumulong.
2.) Huwag maliitin ang kapwa bagkus mahalin sila.
3.) Huwag maging mapagmataas dahil ang lahat ng karangyaan sa buhay ay maari ring mawala.

Sunday, September 13, 2009

PERA ng Mayaman Mae Graciela D. Calija

“Mommy bilhan mo nga ako ng laptop, I need it for my studies and nasira na pala ‘yung watch ko. Please buy me a new watch mom,” demanda ni Ireen sa kanyang mommy.

Siya ay ipinanganak na may mataas na antas ng pamumuhay at nakatira sa loob ng isang subdibisyon. Nag-iisa siyang anak ngunit maaga siyang naulila sa ama. Apat na taong gulang ito ng mamatay ang kanyang daddy. Kasama siya sa mga nasawi sa pagbagsak ng eroplano ngunit maswerteng natagpuan parin ang kanyang bangkay. Ang kanyang mommy ang nagpatuloy sa nasimulang negosyo ng kanyang daddy, isang bake shop. Maswerte siya dahil isa siya sa mga kabataan na nakukuha lahat ng anumang bagay sa isang iglap lamang. Hindi niya alam ang importansya ng pera at kung ano ang mga mas-importanteng bagay na mabibili at paggagamitan nito.

Isa siya sa pinakamayaman sa kanilang paaralan at natamo nito ang korona ng “Ms. It girl of the Year”. Marami siyang mga kaibigan na mayayaman din at maraming lalaki ang nahuhumaling sa gandang angkin nito. Ngunit sa likod ng maaliwalas nitong kagandahan ay kabaliktaran ng kanyang personalidad. Isa siyang “spoiled-brat”, suplada, party girl at ubod ng arte. Gusto niyang lahat ng hangarin niya ay nasusunod at nakukuha nito.

Ngunit isang araw ay nagbago ang lahat ng itinakbo nila ang kanyang mommy sa ospital dahil sa pag-atake ng kanyang puso. Takot na takot siya na baka maulit muli ang nangyari noon sa kanyang daddy. Nagtagal ang kanyang mommy ng isang linggo na nakaratay sa ospital at unti-unti naring nauubos ang kanilang mga pera. Naglakas loob siyang umutang sa kanyang malalapit na kaibigan ngunit kakaunti lamang ang tumulong. Kahit labag sa kanyang kalooban ay ibinenta niya ang kanyang laptop, cellphones, gadgets at mga hindi na nagagamit na mga damit nito. Kahit kaunti naman ay nakaipon ito.

“Ireen, bakit mo binenta lahat ng mga gamit mo? Sana pinabayaan mo nalang na ako ang maghanap ng paraan para mabayaran ko lahat ng gastusin dito,” wika ng kanyang mommy.

“Mom, wala na tayong pera. Unti-unti nang nauubos ang ipon natin sa bangko kaya nagbenta nalang ako. Napag-isipan kong hindi naman masyadong importante ang mga iyon kapalit ng iyong kalusugan. Pwede parin naman akong makabili ng mga ganoon sa tamang panahon. Siguro nga’y dapat ang mga mahahalaga muna ang bigyan ko ng pansin, at ‘yun ay ang pag-alaga ko po sa inyo,” naluluhang sabi nito sa kanyang mommy habang hinahawakan nito ang kanyang kamay.

At ngayon ay bumubuti na ang kanyang mommy at unti-unti narin silang nakakabayad sa kanilang mga utang. Nagsisimula na ulit na lumago ang kanilang negosyo at unti-unti na rin silang nakababangon.

Ngunit nagbago na rin ang pagkatao nito. Isa na siyang nakakakuha ng mga parangal sa akademiko at nakikilahok din siya sa nagkakawanggawa. Nagbibigay siya ng konting mga tulong. Hindi narin siya lumalabas para maglakwatsa kundi nagbabasa nalang sa kanyang mga leksyon.

Malaki ang pinagbago niya simula ng maatake ang kanyang mommy dahil napagtanto niya na ang kahalagahan ng pera ay wala sa yaman kundi nasa pagkatao ng humahawak nito.

Wednesday, September 9, 2009

Ang perang mapang-akit

ni Ruvie Kristine Faith M. Pascua


Umiikot sa libro at eskwela ang buhay ni Wai-ar kayat di naman maipagkakaila na isa siya sa mga Dean’s Lister sa kanilang unibersidad at tumatakbo bilang Zuma- Cum Laude sa kanyang batch.

Ilang buwan ang lumipas, nagtapos si Wai-ar bilang Suma-Kumlawde sa kanilang unibersidad sa kursong Accountancy. Hindi lang sa kanyang unibersidad siya nanguna ngunit pati nadin sa buong bansa. Sa mahigit-kumulang na tatlumput-walong libong Pilipino sa Pilipinas na kumuha ng Bar exam., siya ang nanguna. Maraming parangal ang kanyang nakuha mula sa kanyang pamilya, sa unibersidad na kanyang pinagtapusan at pati narin sa bansa.

Dahil sa kanyang angking galing, maraming kumpanya ang nagnais na siya’y makuha at magtrabaho ngunit isa lang ang kanyang napusuan. Nagtrabaho siya sa sa isang kumpanya ng Tobacco. Mataas ang sahod niya rito kayat hindi na siya nagdalawang isip na taggapin ang alok.

Maganda ang anim na buwang paglilingkod niya sa kumpanya kayat binigyan siya ng bagong bahay at sasakyan kasama narin dito ang pagtaas niya ng posisyon. Siya ang naging tagahawak ng pera ng kumpanya. Siya ang nag-babudget lahat ng mga gastusin sa mga operasyon ng kumpanya. Pinagkatiwalaan siya ng kumpanya. Laking tuwa naman ni Wai-ar ng malaman ang pabuya ng kumpanya sa kanya.

Nagdaan ang ilang taon, may panahong nagkainuman sina Wai-ar at ng kanyang barkada sa kanyang bahay.

“Pare, ni minsan ba, di mo naisip magnakaw kahit isang libo lang sa pera ng kumpanya niyo?” tanong ng isa nilang kasama.

“Hindi naman pare. Bat ko naman gagawin yun?!” sagot ni Wai-ar.

“Syempre pare, pag mas marami kang pera, mas marami kang pwedeng gawin sa buhay. Kaya mong bilhin ang lahat ng gustuhin mo anumang oras.” sulsol naman ng isa niyang kaibigan.

“Oo nga. Pustahan tayo, sa rami ng pera ng kumpanyang hawak mo. Di nila mapapansin kung may nawawala,”dagdag naman ng isa.

Napaisip si Wai-ar at parang balak gawin ang sabi ng mga kaibigan.

Kinaumagahan. Tiningnan ni Wai-ar ang pondo ng kumpanya sa isang private room kung saan siya lang at ang mga matataas na opisyales ang nakakapasok doon. Nasilaw siya sa rami ng perang nandoon. Naisip niya ang sabi ng isa niyang kaibigan “mas marami siyang pwedeng makuha kung may pera”. Hindi na nagpatumpi-tumpik pa sa Wai-ar at kumuha ng dalawampung libong piso.

Lingid sa kaalaman ng kumpanya, nalulong na sa droga si Wai-ar at nagpatuloy ang pagnanakaw niya sa pera ng kumpanya upang matustusan niya ang kanyang mga bisyo.

Pagkaraan ng ilang buwan, napansin ng mga katrabaho ni Wai-ar ang unti-unti nitong pagpapayat. Ang kanyang mga mata’y parang di nakatulog ng ilang gabi.Malimit na din siyang pumapasok sa trabaho. Nagduda sila na baka ito’y gumagamit ng droga. Kayat nagsagawa ng Drug Test ang kumpanya. Napag-alaman nilang positibo si Wai-ar sa paggamit ng droga at ang ginamit niyang pangtustos sa kanyang bisyo ay ang pera ng kumpanya.

Nahatulan si Wai-ar ng habang-buhay na pagkakakulong at binawi narin nila ang bahay at sasakyang ibinigay nila noon sa kanya. Napag isip-isip ni Wai-ar na sana’y nakontento nalang siya sa buhay niya noon,ngunit huli na ang lahat kailangan na niyang bayaran ang kanyang mga kasalanan.

Tuesday, September 8, 2009

Panganay na Kapatid

ni Maejel M. Martinez

Si Andoy ang panganay sa limang magkakapatid. Labing-lima pa lang siya noong lisanin ng kanilang mga magulang ang mundo. Kung kaya’t siya ang tumayong ama at ina ng kanyang mga kapatid. Kinailangan niyang huminto ng pag-aaral upang buhayin ang kanyang mga kapatid.

Kaya’t naghanap siya ng trabaho, hanggang sa nakahanap na siya. Isa siyang bakery boy o kargador. Dahil sa kanyang kasipagan at tiyaga sa trabaho ay nadagdagan ang kanyang sahod. At hindi nagtagal, napaaral na niya ang kanyang mga kapatid bunga ng kanyang sakripisyo at determinasyon sa trabaho. Kaya’t nagsikap pa siya hanggang sa siya ay maging isang ganap na panadero, pero sa kabila ng walang pinag-aralan ay natuto siya sa mga itinuro ng kanyang mabuting amo. At hanggang napatapos na niya ang kanyang mga kapatid sa pag-aaral. Parang isang kidlat lang ang dumaan sa kanilang buhay. Sobrang pasasalamat ng kanyang mga kapatid. Pinahinto nila si Andoy sa trabaho at ibinigay lahat ng kanyang mga pangangailangan. Naging masaya sila sa piling ng isa’t-isa.

Ngunit, hindi naglaon ay unti-unting nagsi-alisan ang bawat isa sa kanila at hindi na kailanman bumalik pa. Naging makasarili sila at hindi na kailanman pinansin ang kanilang kuya. Wala nang matakbuhan si Andoy dahil wala na rin itong trabaho. Wala na siyang makain kaya’t nagmakaawa siya sa dati niyang amo upang kunin muli ito. At bukal sa loob nitong tinanggap si Andoy. Dahil sa mapait nitong karanasan sa buhay ay itinuon na lang niya ang kanyang atensyon sa pagtatrabaho at nag-ipon ng pera para sa kanyang sarili. Itinuring ng kanyang amo si Andoy na parang isang anak dahil sa taglay nitong kabutihan at kasipagan. Kaya’t naging maganda ang takbo ng kanyang buhay.

Lumipas pa ang mga araw, isa-isang nagsibalikan ang kanyang mga kapatid. Na walang ibang dala kundi ang kamalasan nila sa buhay. Pare-pareho silang naging mahirap dahil winasak nila ang maganda nilang buhay noon na bigay ni Andoy bunga ng kanyang sakripisyo at pawis para lamang sa kanila. Nagmakaawa ang mga ito ngunit naging bato na ang puso ni Andoy sa pagkakataong ito. “Sana’y maisip niyo ang aking mga sakripisyo para sa inyo, pati sarili kong buhay ay inialay ko sa inyo para sa inyong ikabubuti ngunit ano ang ginawa niyo? Winasak niyo lang ito, winaldas niyo ang ibinigay kong mangandang kinabukasan sa inyo. tapos ano ngayon? babalik kayo at hihingi ngayon ng tulong, pagkatapos niyong makahingi ng tulong? aalis na namn kayo tulad ng ginawa niyo noon?? alam ko ngapakatanga alo noon, pero ngayon hindi na. danasin niyo rin ngayon kung gaano kahirap magtrabaho ng walang kasama!", naluluhang sabi ni Andoy sa kanyang mga kapatid. hindi na nakapagsalita pa ng kanyang mga kapatid at kawawang umalis ang mga ito na mas malala pang ang kanilang mga hitsura sa mga pulubi.

ARAL: Huwag maging gahaman o makasarili. dapat marunong tumanaw ng utang ma loob.

Saturday, August 29, 2009

Anim na Piso

ni Kayla Janica G. Ruiz

Ang simoy ng hangin ay tila nagbabadya ng bagong simula. Sa lungsod ng Laoag, umaga pa lamang ay nasa bintana na si Lino, walang kibong tumititig sa matirik na araw. Hindi maikukubli sa batang ito ang bunga ng kahirapan. Sabay tunog ng kampana, “Lino ano tinatamad ka na bang magtrabaho, tumayo ka na at lumakad siguradong marami kang kostumer ngayon,” ang wika ni Mang Tonyo.

Tanaw ni Lino ang isang pamilyang puno ng galak na naglalakad tungo sa simbahan. Bakas sa mukha nito ang inggit sa paghangad ng masaganang pamumuhay at masayang tahanan. Sa sikip ng kanilang bahay dinig niya ang hagulgol ng ina dala ng ubo at doo’y nagpaalam, “Alis na po ako inay,”


Bitbit ni Lino ang kapirasong tela at pangpakislap. Lagi niyang nadadaanan ang simbahan dahil dito ang ruta tungo sa kanyang pwesto ngunit ni minsa’y di pa siya nakakapasok rito dahil sa kakulangan ng pangaral at gabay ng kanyang mga magulang.

Tiniis niya ang gutom sa maghapong paghihintay ng mapagseserbisyuhan, umuwi siyang dadalawang-piso ang laman ng bulsa. Hindi makatulog ang batang paslit na nasa isip ang karamdaman ng ina na napakahina. Sa sumunod na araw, mabigat sa kalooban niyang tumayo pa dahilan sa kakarampot niyang kita sa buong araw niya sa labas ay wala man lang siyang maiiaabot na gamot sa kanyang ina.


Nasilayan niya ang isang pulubi sa simbahan na nakaupo. Sa bawat hulog ng ilang barya sa lata ay ramdam niyang mas madali iyong gawin kaysa sa pakintabin ang sapatos ng mga tao.


Laking gulat ng ama ni Lino nang isang kinakawalang na lata ang bitbit nito papaalis ng kanilang bahay. “Itay, nais ko pong mamalimos na lamang ,mas magaan pa at walang gastos,” ang paglalahad ng bata.


Batid ng ama ang hirap ng anak at sakit ng kanyang kalooban sapagkat bata pa lamang ito’y siya na ang bumubuhay sa kanila. Ngunit siya nama’y umiinom maghapon sa kanto.


Pumwesto si Lino sa harap ng simbahan, inihanda ang lata at naghintay sa mga deboto.
Nasulyapan ng isang ginang si Lino, na ramdam din ang karukhaan ng buhay. Laking tuwa ng bata nang bigyan siya ng anim na piso. Iti nabi ng ginang ang isang piso na panlilimos niya sa simbahan. Nakita ng bata ang itabing piso sa pitaka ng ginang kaya hinabol niya ito at nakiusap, "Ale, alam ko po na may isang piso pang naiwan sa inyong pitaka, maari po bang saakin na lamang ito?"

Ang siyam na taong bata ay sadyang mangmang, hindi pa nakuntento sa sa anim na pisong iniabot ng ginang. Hinaplos ng ginang ang marungis na mukha ni Lino at pinagmasdan ang inosenteng niyang mga mata. Pinilit niyang intindihin ang kalagayan ng paslit at nagiwan ng pangaral,"Ang pera ay tulad rin ng araw, binigyan tayo ng Diyos ng anim na araw na kalayaan kaya dapat sa bawat linggo ay dapat ilaan sa kanya para makapiling siya".