ni: Cindy G. Gonzales
“Kapag matibay ang pananalig sa Panginoon, asahan mo’t ikaw ay Kanyang bibiyayaan.”
Muling tumawid si Hesus sa ibayo. Nasa baybay pa Siya ng lawa ay pinagkalipumpunan sa Siya ng maraming tao. Dumating ang isang lalaking nagngangalang Jairo, isang tagapamahala ng sinagoga. Pagkakita kay Hesus, siyay nagpatirapa sa Kanyang paanan, at ang samo: “Agaw – buhay po ang anak kong dalagita. Kung maaari, sumama Kayo sa akin. Ipatong Ninyo sa kanya ang inyong kamay upang siya’y gumaling at mabuhay!”
Sumama naman si Hesus. Sinundan Siya ng napakaraming taong nagsisiksikan, halos maipit na Siya.
May isang babae roon na labindalawang taon nang dinurugo at lubhang nahihirapan. Marami nang manggagamot ang tumingin sa kanya. Naibenta na niya ang kanyang ari – arian sa pagpapagamot. Ngunit hindi siya napabuti, kahit kaunti bagkus ay lalong lumubha. Narinig niya ang sinasabi ng mga tao tungkol kay Hesus. Kayat nakipagsiksikan siya hanggang sa makalapit sa likuran ni Hesus. Hinipo niya ang Kanyang damit. Sapagkat sinabi niya sa sarili, “Mahipo ko lang ang Kanyang damit ay gagaling na ako.”
Biglang tumigil ang kanyang pagdurugo. Naramdaman niyang magaling na siya. Naramdaman naman ni Hesus ang kapangyarihang lumabas sa Kanya. Bumali Siya sa mga tao at nagtatanong, “Sino ang humipo sa Akin?”
Sumagot ang Kanyang alagad. “Napakaraming tao, mahirap pong makatukoy kung sino ang humipo sa Inyo.”
Subalit patuloy na luminga – linga si Hesus. Hinahanap ang humipo sa Kanya. Palibhasa’y alam ng babae ang nangyari, siya’y nanginginig sa takot na lumapit kay Hesus. Nagpatirapa at ipinagtapat ang buong katotohanan.
Sinabi sa kanya ni Hesus, “Anak, pinagaling ka ng iyong pananalig sa Akin. Umuwi ka na’t ipanatag mo ang iyong kalooban. Lubusan ka nang magaling sa iyong karamdaman.”
Nagsasalita pa si Hesus nang may ilang dumating mula sa bahay ni Jairo.
“Patay na po ang anak ninyo, “sabi nila. “Bakit pa kailangang gambalahin ang Guro?”
Nang pinansin ni Hesus ang kanilang sinabi. Sa sinabi Niya sa tagapamahala, "Huwag kang Manalig pa!”
Ngunit ng dumating si Pedro at ang magkakapatid na Santiago sila’y agad na nagtungo sa tagapamahala at doon nakita ni Hesus na gulung – gulo ang mga tao. May mga nananangis at nananaghoy.
Kanyang sinabi, “Bakit kayo nagkakagulo at nananangis? Hindi patay ang bata. Natutulog lamang!”
Pinagtawanan siya ng mga tao. Pinalabas Niya ang lahat, maliban sa magulang ng bata at isa sa tatlong alagad. Sila’y pumasok sa kinaroroonan ng bata. Hinawakan Niya ito sa kamay at sinabi, “Talita kumi,” na ibig sabihin’y “Ineng, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka!”
Ilang sandali, bumangon ang bata at lumakad. Namangha ang lahat
Mahigpit na ipinagbilin ni Hesus na huwag ipapaalam ito kaninuman. At iniutos Niyang bigyan ng pagkain ang mga bata.
Ang mga nakasaksi sa himalang naganap ay taos pusong nanalig kay Hesus.
Tuesday, September 29, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment