Sa malayong bayan ng San Nuha ay may isang pamilyang naiiba sa lahat ng tao na nakatira doon. Hindi maintindihan ng mga tao kung bakit ganoon kasama ang kanilang pagkatao. Sila ang sinasabing pinakamayaman sa kanilang lugar.
Si Don Rey ang nagpapatakbo ng hacienda kasama ang asawang si Donya Luz. Nasa ikaapat na taon naman ng hayskul ang kanilang anak na kambal. Ngunit maraming bagay silang hindi napagkakasunduan dahil gusto ni Rhea na nakaaangat siya sa kanyang kambal na si Lhea. Kung gaano sila kayaman ay ganun din sila kasama.
“Mommy sino na naman ba iyang mga lumipat sa tapat ng bahay natin?” tanong ni Lhea isang umaga.
“Oh, I don’t know iha, don’t mind them” sagot ni Donya Luz.
Ang pamilya Ayala ay katulad din ng pamilya nina Don Rey at Donya Luz, sila ang mga lumipat sa harap ng bahay nila.
“Hon, see that ugly house before, napakaganda na ngayon, hmm.” Saad ni Donya Luz habang nasa hardin sila ng Don.
“Yeah, mukhang mas maganda at mas malaki iyan kesa sa bahay natin.” Sagot ni Don Rey habang nagbabasa ng diyaryo.
“Hindi ako papayag, hon let’s renovate our house, let’s make it more elegant, please.” Pakiusap ng Donya.
Kung gaano kasama at kayaman ang pamilya Vicente (pamilya nina Don Rey at Donya Luz) ay ganoon rin ang pamilya Ayala.
Isang araw ay hindi inaasahan ng dalawang pamilya na magkita sa isang party. Hindi nila pinansin ang isa’t isa. Hanggang sa magsabay silang umuwi.
“Tingnan mo nga naman, ang alam ko ang mga sosyal at mayayaman lang ang dumadalo sa isang party” nagtataray na sabi ni Donya Luz.
“Aba ! Nagsalita ang mukhang mayaman, bakit sino ka ba sa akala mo? Hindi naman ikaw ang nagtatrabaho para magkaroon ka ng ganyang bahay” sagot ni Mrs. Ayala.
“Ma let us go na, we’re just wasting our time to them, ugh! I’m tired” sabat naman ni Rhea at hinila ang kanyang mommy sa loob.
Hindi tumigil ang dalawang pamilya sa pag-iiringan at maging sa padamihan ng luho sa bahay. Walang araw na hindi nagpaparinigan ang mga ito. Araw-araw na lang nabibingi ang mga nakapaligid sa kanila. Palibhasa kasi’y masyado silang mapride, wala ni isa sa kanila ang gusting magpatalo.
Pati sa negosyo ay magkakompetensya ang pamilya Vicente at Ayala.
Nagpatuloy sa bangayan ang mga ito hanggang dumating ang isang pangyayari na hindi nila inaasahan.
Namatay si Don Rey sa isang krimen at naaksidente naman si Mr. Ayala sa sinasakyang eroplano. Kasabay nito ang pagbagsak ng kompanya ng dalawang pamilya. Sa kadahilanang marami raw ang natatanggap na mga feedbacks tungkol sa awayan nila kaya naman umurong ang kani-kanilang kliyente.
Hindi parehong makapaniwala sina Donya Luz at Mrs. Ayala sa kahihiyan na sinapit nila.
“Oh! Ano ngayon ang napala ng dalawang donyang iyan? Wala! Paano naman kasi sa sobrang kayabangan sunod-sunod na ang kanilang malas at karma” sabi ng mga ale na nag-uusap sa tindahan.
Masarap nga ang mabuhay na mapera ngunit hindi natin alam kung hanggang kalian ang masaganang buhay na ito. Lalo na kung masama pa ang ugali mo.
No comments:
Post a Comment