Wednesday, September 9, 2009

Ang perang mapang-akit

ni Ruvie Kristine Faith M. Pascua


Umiikot sa libro at eskwela ang buhay ni Wai-ar kayat di naman maipagkakaila na isa siya sa mga Dean’s Lister sa kanilang unibersidad at tumatakbo bilang Zuma- Cum Laude sa kanyang batch.

Ilang buwan ang lumipas, nagtapos si Wai-ar bilang Suma-Kumlawde sa kanilang unibersidad sa kursong Accountancy. Hindi lang sa kanyang unibersidad siya nanguna ngunit pati nadin sa buong bansa. Sa mahigit-kumulang na tatlumput-walong libong Pilipino sa Pilipinas na kumuha ng Bar exam., siya ang nanguna. Maraming parangal ang kanyang nakuha mula sa kanyang pamilya, sa unibersidad na kanyang pinagtapusan at pati narin sa bansa.

Dahil sa kanyang angking galing, maraming kumpanya ang nagnais na siya’y makuha at magtrabaho ngunit isa lang ang kanyang napusuan. Nagtrabaho siya sa sa isang kumpanya ng Tobacco. Mataas ang sahod niya rito kayat hindi na siya nagdalawang isip na taggapin ang alok.

Maganda ang anim na buwang paglilingkod niya sa kumpanya kayat binigyan siya ng bagong bahay at sasakyan kasama narin dito ang pagtaas niya ng posisyon. Siya ang naging tagahawak ng pera ng kumpanya. Siya ang nag-babudget lahat ng mga gastusin sa mga operasyon ng kumpanya. Pinagkatiwalaan siya ng kumpanya. Laking tuwa naman ni Wai-ar ng malaman ang pabuya ng kumpanya sa kanya.

Nagdaan ang ilang taon, may panahong nagkainuman sina Wai-ar at ng kanyang barkada sa kanyang bahay.

“Pare, ni minsan ba, di mo naisip magnakaw kahit isang libo lang sa pera ng kumpanya niyo?” tanong ng isa nilang kasama.

“Hindi naman pare. Bat ko naman gagawin yun?!” sagot ni Wai-ar.

“Syempre pare, pag mas marami kang pera, mas marami kang pwedeng gawin sa buhay. Kaya mong bilhin ang lahat ng gustuhin mo anumang oras.” sulsol naman ng isa niyang kaibigan.

“Oo nga. Pustahan tayo, sa rami ng pera ng kumpanyang hawak mo. Di nila mapapansin kung may nawawala,”dagdag naman ng isa.

Napaisip si Wai-ar at parang balak gawin ang sabi ng mga kaibigan.

Kinaumagahan. Tiningnan ni Wai-ar ang pondo ng kumpanya sa isang private room kung saan siya lang at ang mga matataas na opisyales ang nakakapasok doon. Nasilaw siya sa rami ng perang nandoon. Naisip niya ang sabi ng isa niyang kaibigan “mas marami siyang pwedeng makuha kung may pera”. Hindi na nagpatumpi-tumpik pa sa Wai-ar at kumuha ng dalawampung libong piso.

Lingid sa kaalaman ng kumpanya, nalulong na sa droga si Wai-ar at nagpatuloy ang pagnanakaw niya sa pera ng kumpanya upang matustusan niya ang kanyang mga bisyo.

Pagkaraan ng ilang buwan, napansin ng mga katrabaho ni Wai-ar ang unti-unti nitong pagpapayat. Ang kanyang mga mata’y parang di nakatulog ng ilang gabi.Malimit na din siyang pumapasok sa trabaho. Nagduda sila na baka ito’y gumagamit ng droga. Kayat nagsagawa ng Drug Test ang kumpanya. Napag-alaman nilang positibo si Wai-ar sa paggamit ng droga at ang ginamit niyang pangtustos sa kanyang bisyo ay ang pera ng kumpanya.

Nahatulan si Wai-ar ng habang-buhay na pagkakakulong at binawi narin nila ang bahay at sasakyang ibinigay nila noon sa kanya. Napag isip-isip ni Wai-ar na sana’y nakontento nalang siya sa buhay niya noon,ngunit huli na ang lahat kailangan na niyang bayaran ang kanyang mga kasalanan.