ni Kayla Janica G. Ruiz
Ang simoy ng hangin ay tila nagbabadya ng bagong simula. Sa lungsod ng Laoag, umaga pa lamang ay nasa bintana na si Lino, walang kibong tumititig sa matirik na araw. Hindi maikukubli sa batang ito ang bunga ng kahirapan. Sabay tunog ng kampana, “Lino ano tinatamad ka na bang magtrabaho, tumayo ka na at lumakad siguradong marami kang kostumer ngayon,” ang wika ni Mang Tonyo.
Tanaw ni Lino ang isang pamilyang puno ng galak na naglalakad tungo sa simbahan. Bakas sa mukha nito ang inggit sa paghangad ng masaganang pamumuhay at masayang tahanan. Sa sikip ng kanilang bahay dinig niya ang hagulgol ng ina dala ng ubo at doo’y nagpaalam, “Alis na po ako inay,”
Bitbit ni Lino ang kapirasong tela at pangpakislap. Lagi niyang nadadaanan ang simbahan dahil dito ang ruta tungo sa kanyang pwesto ngunit ni minsa’y di pa siya nakakapasok rito dahil sa kakulangan ng pangaral at gabay ng kanyang mga magulang.
Tiniis niya ang gutom sa maghapong paghihintay ng mapagseserbisyuhan, umuwi siyang dadalawang-piso ang laman ng bulsa. Hindi makatulog ang batang paslit na nasa isip ang karamdaman ng ina na napakahina. Sa sumunod na araw, mabigat sa kalooban niyang tumayo pa dahilan sa kakarampot niyang kita sa buong araw niya sa labas ay wala man lang siyang maiiaabot na gamot sa kanyang ina.
Nasilayan niya ang isang pulubi sa simbahan na nakaupo. Sa bawat hulog ng ilang barya sa lata ay ramdam niyang mas madali iyong gawin kaysa sa pakintabin ang sapatos ng mga tao.
Laking gulat ng ama ni Lino nang isang kinakawalang na lata ang bitbit nito papaalis ng kanilang bahay. “Itay, nais ko pong mamalimos na lamang ,mas magaan pa at walang gastos,” ang paglalahad ng bata.
Batid ng ama ang hirap ng anak at sakit ng kanyang kalooban sapagkat bata pa lamang ito’y siya na ang bumubuhay sa kanila. Ngunit siya nama’y umiinom maghapon sa kanto.
Pumwesto si Lino sa harap ng simbahan, inihanda ang lata at naghintay sa mga deboto. Nasulyapan ng isang ginang si Lino, na ramdam din ang karukhaan ng buhay. Laking tuwa ng bata nang bigyan siya ng anim na piso. Iti nabi ng ginang ang isang piso na panlilimos niya sa simbahan. Nakita ng bata ang itabing piso sa pitaka ng ginang kaya hinabol niya ito at nakiusap, "Ale, alam ko po na may isang piso pang naiwan sa inyong pitaka, maari po bang saakin na lamang ito?"
Ang siyam na taong bata ay sadyang mangmang, hindi pa nakuntento sa sa anim na pisong iniabot ng ginang. Hinaplos ng ginang ang marungis na mukha ni Lino at pinagmasdan ang inosenteng niyang mga mata. Pinilit niyang intindihin ang kalagayan ng paslit at nagiwan ng pangaral,"Ang pera ay tulad rin ng araw, binigyan tayo ng Diyos ng anim na araw na kalayaan kaya dapat sa bawat linggo ay dapat ilaan sa kanya para makapiling siya".