ni: Sarah Mae Agcaoili
Sa isang nayon may tatlong matatalik na magkaibigan. Sila ay sina Chelsea,Chesca at Cheena. Araw-araw silang magkakasama at halos ayaw na nilang maghiwa-hiwalay. Si Chelsea ang pinakamayaman sa kanilang tatlo. Halos araw-araw ay may bago siyang mga gamit at binibilhan niya sina Chesca at Cheena ng kagaya rin ng sakanya. Dahil ang gusto niya, kung anong meron siya ay dapat meron din ang kanyang mga kaibigan. Si Chelsea bukod sa mayaman siya rin ay mabait at mapagkumbaba. Mahal na mahal niya ang kanyang pamilya lalong lalo na ang kanyang mga kaibigan. Si Chesca naman ay may kaya sa buhay. Siya ay mapagmahal,masipag at maunawain na anak at kaibigan. Lagi niyang sinusuportahan ang kanyang mga kaibigan at siya ang Clown sa kanilang grupo. Si Cheena naman ay mahirap. Siya ay hindi kuntento sa kung anong meron siya. Ang gusto niya ay siya palagi ang sikat.
Habang binibigay ni Chelsea ang mga damit na binili niya pra kina Chesca at Cheena. Hindi alam ni Chelsea na may namumuong galit na pala sa kaniya si Cheena. Dahil sa naiinggit si Cheena sa kanya. Ang gusto ni Cheena ay magkaroon siya ng mas magagandang mga gamit at mas magarbong kasuotan kesa kay Chelsea. Pero wala siyang pambili. Sumagad ang galit niya kay Chelsea. Sa galit niya,siniraan niya si Chelsea sa lahat ng tao. Naging masama ang tingin ng mga tao kay Chelsea. Nag tanong si Chesca sa iba niyang mga kaibigan kung bakit galit sila kay Chelsea. Sinabi nila na inaalipusta daw ni Chelsea si Cheena. Tinanong din ni Chesca kung sino ang nagsabi sa kanila ang mga kasinungalingang iyon. Sinabi nila na si Cheena mismo ang nagkwento sa kanila ang mga ginagawa ni Chelsea sa kaniya. Agad agad na pinuntahan ni Chelsea at Chesca si Cheena. Tinanong ni Chelsea kay Cheena kung bakit niya iyon nagawa. Sinabi ni Cheena ang rason at humingi siya ng tawad kay Chelsea. Dahil sa pinapahalagahan ni Chelsea ang kanilang pagkakaibigan pinatawad niya si Cheena. At sila'y naging magkakaibigan ulit.
Mga Aral:
-Makuntento sa kung anong meron ka.
-Maging tapat ka sa iyong mga kaibigan
-Huwag maging inggitera dahil ito ang sisira sa pagkakaibigan.
Monday, October 19, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment