Tuesday, September 15, 2009
Kabaitan ng Mag- ina ni Jessa Valerie Balanay
Sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang babaeng pagod na pagod at mukhang hindi pa kumakain ng kumatok sa kanilang munting bahay. Pinapasok nila ito at tinanong kung ano ang kanyang kailangan. Sinabi ng babae na gutom na gutom na siya kung kaya’t ibinagay na lamang ng ina ang kanyang kakainin sa babaeng gutom. Kinaumagahan, dali- daling umalis ang babae at ang tanging sinabi niya ay, “Salamat po ng marami, balang araw babalik ako ditto. Tinatanaw ko itong malaking utang.” “Walang anuman ito anak.” Sambit ng matandang babae.
Isang malaking problema ang dumating sa buhay ng mag- ina. Nagkasakit ang bata. Hindi alam ng ina kung ano ang kanyang gagawin sapagkat wala siyang alam na pagkukunan ng pera para pampagamot. Lumapit siya sa kanyang mga kapit- bahay ngunit isa lang ang sagot nila, “Hayaan mo na ang anak mo mamamatay din siya.” Tumulo ang luha ng ina at hindi tumigil sa paghahanap ng tulong. Laglag ang kanyang balikat dahil wala man lang tumulong sa pagpapagamot ng kanyang anak. Nang nakarating na sa kanilang bahay ang ina, laking gulat ang matanda dahil wala doon ang kanyang maysakit na anak. Halos mabaliw siya sa paghahanap. Nagtanong- tanong siya sa kanilang kapitbahay hanggang may isang taong nakapagsabing may pumuntang babae sa kanilang bahay at kinuha ang kanyang anak. Humagulgol ng malakas ang ina at sinabing, “Anak ko! Patawarin mo ako at hinayaan kitang makuha ka ng taong hindi mo kilala. Hahanapin kita.” Hindi nagtagal ay dumating ang babae kasama ang masigla niyang anak. Yumakap ang bata at nasambit niya, “Nay magaling na ako. Tinulungan ako ng babaeng yun.” Sabay turo sa babae. “Binabalik ko lang po ang kabutihang ipinakita ninyo sa akin noong kailangan ko ang inyong tulong. Alam kong hindi pa sapat iyon dahil buhay ko ang inyong iniligtas.”
Sa bandang huli, tinulungan ng babae ang mag- ina. Kinuha niya ang mag- ina para doon na sa kanyang bahay manirahan. Hindi niya itinuring na katulong ang mga ito. Kundi itinuring niya itong parang kapamilya na rin niya. Pinag- aral niya ang bata at binihisan niya ang mag- ina ng magagandang damit. Hindi naman sinamantala ng mag- ina ang kabutihan ng babae.
Aral:
• Ang kahirapan ay hindi hadlang sa pagtulong sa kapwa.
• Ang mabuting gawa ay may kapalit na gantimpala.
Ang Kambal at ang Regalo
Maligaya sina ginoo at ginang Angeles dahil nagkaroon sila ng kambal na anak. Ito ay sina Akisha at Shakira. Parehong taglay ang kakaibang kagandahan. Sila rin ay parehong magaling at matalino sa kanilang klase. Marami na silang natamong karangalan. Halos lahat ng bagay ay pareho sila maliban lang sa isang bagay ito ay ang ugali.
Kambal nga silang dalawa ngunit iba ang kanilang mga ugali. Si Akisha ay mabuting dalaga at magalang siya kahit kanino. Siya ay mapagkumbaba. Hindi siya mapili ng kinakaibigan mayaman man o mahirap basta mabait kaibigan niya ito. Hindi niya ginagamit ang kanyang pagiging mayaman ng kahit ano. Masinop siya sa paggasta ng kanyang pera. Samantala si Shakira ay ubod ng maldita. Siya ay suplada at mayamang tulad niya ang kanyang kaibigan. Mahilig siyang gumasta ng kahit hindi mahalagang gamit gaya ng mahal na damit, branded na sapatos at iba pang nakakapagpasaya sa kanya.
Isang gabi habang sila’y naghahapunan kasama ang kanilang mga magulang ay biglang nagsalita si Shakira.
“Ma, Pa, kailangan ko ng pera wala na kasi akong pera.” Ang sabi niya na walang pag- aalinlangan.
“Bakit wala ka nang pera? Binigyan naman kita ng buo mong alawans ngayong buwan?” galit na tanong ng kanyang ama.
Hindi agad nakapagsalita si Shakira ngunit sa huli ay nakaisip siya ng dahilan. Sinabi niyang marami siyang babayarin sa kanilang paaralan.
Nagulat si Akisha sa sinabi ng kanyang kapatid dahil sa kanyang pagkakaalam ay wala pa silang binabayaran kahit sentimo. Kaya nga tinanong ng kanyang ama kung totoo nga ang kanyang sinabi ngunit nagsinungaling siya upang hindi mapagalitan at mapasama ang kanyang kapatid. Sa sagot ni Akisha ay naniwala na ang mag- asawa. Dahil lahat ng mga sinasabi ni Akisha ay agad silang naniniwala dahil alam nilang siya’y mabuting anak.
Isang araw naisip ng mag-asawa na malapit na pala ang kaarawan ng dalawa. Nagpasya sila na magkaroon ng sorpresang party para sa kanilang mga anak.
“Ano pala ang regalo natin sa kanila?” ang tanong ni G. Angeles sa kanyang asawa.
“Kay Akisha wala tayong problema, kung ano ang ibigay natin sa kanya masaya na siya. ” sagot niya.
“Paano si Shakira?” dagdag na tanong ni G. Angeles.
Hindi na nakasagot si Gng. Angeles kundi napatingin siya sa taas at biglang ngumiti. Napaisip ang kanyang asawa kung ano ang ginagawa ni Gng. Angeles.
Dumating na nga ang araw ng kanilang kaarawan. Sina Akisha at Shakira ay masayang- masaya sa sorpresang ibinigay ng kanilang mapagmahal na mga magulang. Nakabihis ng mapulang bestida na napapalanutian ng mga kumikislap na mga bato si Shakira samantala simpleng puting bestida lang si Akisha.
Maraming bisitang dumating sa party na iyon at mga mayayaman ang karamihan, may kaunting mahihirap na mga bisita lamang ni Akisha.
Oras na para ibigay na ang kanilang mga regalo. Ipinatawag ng kanilang magulang sina Akisha at Shakira. Hindi maipinta ang kaligayahang nadarama ng magkapatid.
At nang nasa loob na sila ay nandoon ang dalawang kahon na magkaiba ang balot na nakalapag sa salamin nilang mesa. Ang isang kahon ay nabalutan ng magandang disenyo at talaga namang makaagaw ng pansin, at ang isang kahon ay ordinaryo at simpleng balot lamang.
“Ma hindi niyo pa ba ibibigay ang regalo niyo sa amin?”ani ni Shakira.
Nagsalita ang kanilang ina, siya ay tumayo at sinabing,
“Hindi ako ang mismong magbibigay ng iyong mga regalo, narito ang dalawang kahon at kayo ang bahalang mamili nito.”
Gaya nga ng kanilang inaasahan si Shakira ang unang namili at pinili niya ang magandang kahon dahil sa palagay niya maganda rin at mamahalin ang laman nito. Walang nagawa si Akisha kundi kunin ang naiwang kahon at kahit naman siya ang mauuna ang simpleng kahon pa rin ang kanyang pipiliin.
Sabay na nilang binuksan kung ano ang laman ng kanilang mga piniling regalo. Hindi mawala ang ngiti sa mukha ni Shakira. Pagkabukas niya nito ay nagulat siya sa laman ng kanyang regalo. Isang alkansya na dahilan ng pagkawala ng kanyang kasiyahan samantala isang maganda at nagniningning na kwitas kay Akisha.
Napaisip si Shakira kung bakit niyon ang bigay sa kanya na regalo at pagkaraan ng ilang minuto napagtanto niya at sabay sabing, “Kaya naman pala.”
Si Akisha naman ay masaya sa kanyang natanggap na regalo ngunit hindi niya ito ipinagmamayabang sa kanyang kapatid at kahit kanino man.
Hindi sa panlabas na anyo nakikita ang kagandahan ng isang bagay o isang tao.
Sulat tungo sa Pagbabago
“ Kinakalaban niya talaga ako ng walang hiyang haring iyan. Hindi naman niya ibinigay ang sulat kung saan nakasaad kung paano makapunta sa lugar na pagkukunan ng kayamanan. Kamatayan lang ang dapat sa kanya,” galit na isinigaw ni haring Kingston.
Sa isang kaharian ng Gardenia, may isang hari na nagngangalang Kingston. Malupit ito sa kanyang mga tauhan at mga alipin. Kaya naman sa bawat agaw ng kanyang mga tauhan pinagbubutihan nila ito. Si Redo ay isa sa mga tauhan ni haring Kingston. Siya ay matagal nang naninilbihan at tapat ang kanyang paglilingkod sa hari. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ng hari dahil sa kanyang magandang serbisyo.
Niyaya ni haring Kingston si haring Minus para sa isang usapan. Isang araw nagkita nga ang dalawa. Si haring Minus ay pinsan ni haring Kingston na siya ang namumuno din sa kabilang kaharian. Si Minus ay matagal ng nagseselos kay Kingston dahil mas maunlad ang kaharian ni haring Kingston kumpara sa kanya.
“Niyaya kita para tayoý mag-usap dahil nababalitaan ko na alam mo daw kung nasaan nakatago ang mga kayamanan”,sinabi ni haring Kingston kay haring minus.
“hindi ko alam ang iyong sinasabi”, sagot agad ni Minus.
“Huwag ka ngang magka-ila alam ko na alam mo kung nasaan ang mga ito. Kaya hanggang maaga pa sabihin mo na kung nasaan ang mga ito”,sumbat nanaman ni Kingston.
“Hindi ko talaga alam. Wala kang makukuhang sagot na galing sa akin”
“Kung hindi mo ito sasabihin kung nasaan ang mga ito, pagkatapos ng limang araw papatayin kita at ang mga tao dito. Sisirain ko pa ang iyong kaharian”, galit nag alit na sinabi ni Kingston para bantaan si Minus.
Hindi nakasagot si Minus at napatunganga siya. Agad naman na umalis si haring Kingston.
Natakot ng husto si minus. Kaya naman pagkaraan ng isang araw nagsulat siya para sabihin kung nasaan ang kayamanan. Inutusan ni haring Minus ang kanyang tauhan para ibigay ang sulat kay haring Kingston.
“halika dito ibigay mo ang sulat na ito kay haring Kingston. Dapat siya lang ang makabasa nito”, utos ni Minus sa kanyang tauhan.
Pinapunta ang kanyang tauhan ang palasyo ni Kingston. Ibinigay ang sulat kay Redo para ibigay sa hari. Sinabi niya na dapat ang hari lang ang makabasa nito. Habang nasa daan si Redo patungo sa trono ng hari para ibigay ang sulat. Gusto niyang basahin ito. Nagtataka kasi siya kung bakit ang hari lang ang pwedeng makabasa nito.
“Basahin ko kaya ang sulat na ito? Baka may itinatago ang hari”, tungon niya sa kanyang sarili.
Kaya imbes na dumeretso patugo sa trono ng hari pumunta siya sa kanyang kwarto at dalidaling binasa ito. Binasa niya ito ng taimtim at palihim. Nakasaad sa sulat na ang kayamanan ay nasa gilid ng bundok ng adventura. May pananda itong malaking puting bato. Doon mahahanap ang mga kayamanan.
“tama pupuntahan ko iyon bukas. Kailangan ko talaga ang pera ngayon para mapagamot ko na ang aking pinakamamahal na asawa”, taimtim na na kinakausap sa kanyang sarili.
Madaling araw pa lamang ay pinuntahan niya ang nasabing lugar. Hinanap niya ito sa bundok adventura. Pagkatapos ng masinsinan na paghahanap na kita na niya ito at dalidaling pinuntahan. Pagkarating sa lugar na iyon….
“tulong!!!tulungan ninyo ako”, malakas na sigaw ni Redo.
Hindi maka-ahon si redo sa butas na kanyang kinalalagyan. Palaging sigaw ng siagaw ng tulong pero walang nakakarinig sa kanya. Hanggang siyaý nanghihina at gutom na gutom. Mag-iisang araw na siya sa butas na iyon at may isang taong nakakita sa kanya. Iniahon niya ito sa butas at idinala sa kanyang bahay na malapit lang sa pinangyarian nito.
Äno ba ang nagyari sa taong ito. Nanghihina na siya. Kailangan magamot siya sa madaling panahon”, sabi ng matanda sa sarili.
Binihisan niya ito at nilapatan ng mga gamot. Pagkatapos ng limang oras siyaý nag-kamalay at gusto na niyang bumalik sa palasyo ni haring Kingston.
“huwag ka munang pumunta doon. Hindi mo pa ito kaya”, bilin ng matanda kay Redo.
Hindi nga siya pumilit pero may plano siya na aalis kinabukasan.
Madaling araw pa lamang ay nagpa-alam na siya sa matanda. Kahit hindi pa magaling ang kanyang mga sugat ay pinilit niya talaga ito.
Nakatungtung nga siya sa palasyo ng hari at ipinagtapat ang lahat ng nangyari.
“mahal na hari, ang sulat po na ibinigay ni haring Minus paras a iyo ay…”,hindi naituloy na sinabi ni Redo.
“nasaan ang sulat. Dali ibigay mo na sa akin. Importante iyon”,nagmamadali na sinabi ni Kingston.
“kaya nga po marami akong sugat ngayon dahil pinakialaman ko ang iyong sulat. At pinuntahan ko ang nasabing lugar na ito at ito ang aking napala. Isa pala itong patibong na kagagawan ni haring Minus”, ipinaliwanag ni Redo.
Napaisip-ang hari.
“kung ganon pala trinaydor ako ni haring Minus. Walang hiya ang haring iyon. Kailangan siyang bigyan ng liksyo”,sabi ng hari.
“Pero bakit mo namang nagawang pakia-laman ang aking sulat?”,tanong ng hari.
“Kasi po may sakit ang aking asawa at kailangan na siya ay mapagamot sa madaling panahon. Kaya naman noong nabasa ko ang sulat tungkol sa kayamanan pinuntahan ko ito nagbabasakaling makakuha sa isa sa mga ito. Pero ito ang aking napala”, paliwanag ni Redo.
“Naiitindihan kita. Ito tanggapin mo ang pera paras a iyong asawa”, sabi ng hari.
“maraming salamat po”,sagot ni Redo.
“Ngayon na pag-isip isip ko na na hindi ko na kailangan ng maraming kayamanan. Hindi ko na guguluhin si Minus. Bahala na siya sa mga kayaman, dahil siya naman talaga ang nag-mamay-ari ng mga ito”,sabi ni haring Kingston.
Nagyakapan ang dalawa.
ARAL:
Ang paggiging pakialamero o paggalaw sa isang bagay na hindi naman mo naman pag-aari o hindi naman paras a iyo ay nagbibigay ng kapahamakan sa iyo at maaaring makitil pa ang iyong buhay dahil dito.
Ang Pulubi at ang Matandang Dalaga
“Ano ba? Hindi ba’t sabi kong itali niyong mabuti ang inyong mga kambing! Abay kinakain na nila ang mga pananim ko, mas mahal pa ang halaman na iyan kaysa sa buhay niyo!”
“Pasensya na po talaga Donya Ageda,” ang pagpapaumanhin ni Aling Mena. Ganyan kung ipahiya ng Donya ang kanyang mga kapitbahay. Wala siyang pinipiling salita, nakakasakit man ito, kanya pa ring sinasabi. Bata man o matanda wala siyang pinipiling edad. Laki sa magara at mala-palasyong bahay si Donya Ageda. Sa kanila ng maginhawang buhay na ito nababalot siya ng kalungkutan sapagkat siya’y mag-isa at wala nang pamilya. Nais man siyang kaawaan ng tao ay mas pinipili na lamang nilang manahimik dahil sa kasamaan ng ugali nito. Masungit, maramot at walang awa si Donya Ageda. Kahit bunga ng punongkahoy lamang na tumutubo sa kanyang bakuran ay kanyang ipinagdadamot. Kahit na magmakaawa ang kanyang mga kapitbahay upang humingi ng tulong ay wari wala siyang naririnig at nagbubulag-bulagan. Wala ni isa man sa kanila ang makalapit ng diretso sa Donya dahil nangangamba sila na baka pagsalitaan lamang sila ng masasakit nito. Wala siyang maituturing na kaibigan dahil mismo siya, ayaw niyang lapitan ang kanyang mga kapitbahay.
“Hindi ko aaksayahin ang panahon ko upang makipag-usap sa mga pulubing iyan. Igugugol ko na lamang ang aking panahon sa pagmasid s' aking palasyo.” Ang sa isip ng Donya habang nakaupo siya sa malambot niyang sofa.
Isang bagyo ang sumalanta sa kanilang pook. Mag-iisang linggo na ay hindi pa rin tumitila ang ulan. Lubog na sa baha ang mga bahay ng mga tao maliban sa bahay ni Donya Ageda. Naglakas-loob ang isa sa matandang lalake upang humingi ng tulong sa Donya. Kinatok niya ng kinatok ang mala-higanteng bakod ng bahay ng Donya. Lumabas ang Donya na galit na galit.
“Ano bang klase ng tao ka at nangingistorbo sa pagpapahinga ng isang Donya na kagaya ko?” galit na wika ng matanda. “Parang awa niyo na po, tulungan mo kami Donya Ageda. Lubog na sa baha ang aming tahanan. Maari ba kamimg makisilong sa inyong bahay?” pagmamakaawa ng lalake.
“Ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin iyan, matanda! Hindi pugad ng marurumimg tao ang aking tahanan na basta niyo na lang titirhan!” sabay sara ng pinto. Walang nagawa ang mga tao kundi umalis ng bigo. Sumunod na kumatok ang isang matandang babae na gusgusin at mabaho. Sinadya na si Donya Ageda upang makahingi ng makakain dahil gutom na gutom siya at kasabay pa ng pagbugso ng malakas na ulan. Galit naman na binuksan ng Donya ang pinto ng kanyang bakod at nagwika “Ano na naman?” galit na sigaw ng Donya.
“Kung maari lamang po ay bigyan niyo ako ng kahit kaunting makakain. Gutom na gutom na ako.” Pagmamakaawa ng matanda.
“At sino ka upang bigyan kita ng pagkain? Lumayas ka nga at ang baho-baho mo!” pagtataboy ng Donya. Nagmakaawa ang matandang pulubi ngunit dali-daling nang isinara ng Donya ang pinto. Kinagabihan inapoy ng lagnat ang Donya dahil sa matinding lamig ng panahon. Mataas ang kanyang lagnat at hindi na siya makabangon upang kumuha ng makakain. Ang akala niya’y mamamatay na siya ng biglang may pumasok sa kanyang silid. Laking gulat niya ng makita ang matandang dalaga na may dala-dalang mainit na sabaw. Magagalit sana siya ngunit wala na siyang lakas upang gawin pa ito. Pinakain siya ng pulubi at kanya itong naubos. Pagkaubos sa sabaw ay lumakas na siya.
“Maraming salamat, patawarin mo ako kung naging maramot ako sa iyo. Ngayon ko napagtanto ang aking kamalian. Alam ko na mali ako, maraming salamat.” at napahagulhol na ang Donya.
“Wala ito, masaya ako at alam mo na ang tama.” at niyakap na niya ang Donya.
ARAL:
1.) Matutong tumulong sa mga nangangailangan lalo na kung nasa iyo ang kapasidad na tumulong.
2.) Huwag maliitin ang kapwa bagkus mahalin sila.
3.) Huwag maging mapagmataas dahil ang lahat ng karangyaan sa buhay ay maari ring mawala.