ni Maejel M. Martinez
Si Andoy ang panganay sa limang magkakapatid. Labing-lima pa lang siya noong lisanin ng kanilang mga magulang ang mundo. Kung kaya’t siya ang tumayong ama at ina ng kanyang mga kapatid. Kinailangan niyang huminto ng pag-aaral upang buhayin ang kanyang mga kapatid.
Kaya’t naghanap siya ng trabaho, hanggang sa nakahanap na siya. Isa siyang bakery boy o kargador. Dahil sa kanyang kasipagan at tiyaga sa trabaho ay nadagdagan ang kanyang sahod. At hindi nagtagal, napaaral na niya ang kanyang mga kapatid bunga ng kanyang sakripisyo at determinasyon sa trabaho. Kaya’t nagsikap pa siya hanggang sa siya ay maging isang ganap na panadero, pero sa kabila ng walang pinag-aralan ay natuto siya sa mga itinuro ng kanyang mabuting amo. At hanggang napatapos na niya ang kanyang mga kapatid sa pag-aaral. Parang isang kidlat lang ang dumaan sa kanilang buhay. Sobrang pasasalamat ng kanyang mga kapatid. Pinahinto nila si Andoy sa trabaho at ibinigay lahat ng kanyang mga pangangailangan. Naging masaya sila sa piling ng isa’t-isa.
Ngunit, hindi naglaon ay unti-unting nagsi-alisan ang bawat isa sa kanila at hindi na kailanman bumalik pa. Naging makasarili sila at hindi na kailanman pinansin ang kanilang kuya. Wala nang matakbuhan si Andoy dahil wala na rin itong trabaho. Wala na siyang makain kaya’t nagmakaawa siya sa dati niyang amo upang kunin muli ito. At bukal sa loob nitong tinanggap si Andoy. Dahil sa mapait nitong karanasan sa buhay ay itinuon na lang niya ang kanyang atensyon sa pagtatrabaho at nag-ipon ng pera para sa kanyang sarili. Itinuring ng kanyang amo si Andoy na parang isang anak dahil sa taglay nitong kabutihan at kasipagan. Kaya’t naging maganda ang takbo ng kanyang buhay.
Lumipas pa ang mga araw, isa-isang nagsibalikan ang kanyang mga kapatid. Na walang ibang dala kundi ang kamalasan nila sa buhay. Pare-pareho silang naging mahirap dahil winasak nila ang maganda nilang buhay noon na bigay ni Andoy bunga ng kanyang sakripisyo at pawis para lamang sa kanila. Nagmakaawa ang mga ito ngunit naging bato na ang puso ni Andoy sa pagkakataong ito. “Sana’y maisip niyo ang aking mga sakripisyo para sa inyo, pati sarili kong buhay ay inialay ko sa inyo para sa inyong ikabubuti ngunit ano ang ginawa niyo? Winasak niyo lang ito, winaldas niyo ang ibinigay kong mangandang kinabukasan sa inyo. tapos ano ngayon? babalik kayo at hihingi ngayon ng tulong, pagkatapos niyong makahingi ng tulong? aalis na namn kayo tulad ng ginawa niyo noon?? alam ko ngapakatanga alo noon, pero ngayon hindi na. danasin niyo rin ngayon kung gaano kahirap magtrabaho ng walang kasama!", naluluhang sabi ni Andoy sa kanyang mga kapatid. hindi na nakapagsalita pa ng kanyang mga kapatid at kawawang umalis ang mga ito na mas malala pang ang kanilang mga hitsura sa mga pulubi.
ARAL: Huwag maging gahaman o makasarili. dapat marunong tumanaw ng utang ma loob.