Tuesday, September 15, 2009

Kabaitan ng Mag- ina ni Jessa Valerie Balanay

Sa isang liblib na baryo, may nakatirang mag- inang walang wala sa buhay. Ang tanging ikinabubuhay nila ay ang pagpupulot ng mga butil ng bigas. Lalong- lalo na kapag anihan. Iniipon nila ang mga butil ng bigas dahil ito ang kakainin nila. Dahil konti lamang ang napupulot nila, pinatitiyagahan nila itong tinatanggalan ng balat. Maaga rin silang umuuwi dahil wala silang kuryente. Nagtitiyaga lamang sila sa ilaw ng lampara. Hindi sila masyadong lumalabas dahil mamaliitin lamang sila. Tinitiis nila angb sinasabi ng mga tao dahil alam nilang wala silang ginagawang masama. Ang nasa isip lamang nila ay mabuhay ng payapa at masaya.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang babaeng pagod na pagod at mukhang hindi pa kumakain ng kumatok sa kanilang munting bahay. Pinapasok nila ito at tinanong kung ano ang kanyang kailangan. Sinabi ng babae na gutom na gutom na siya kung kaya’t ibinagay na lamang ng ina ang kanyang kakainin sa babaeng gutom. Kinaumagahan, dali- daling umalis ang babae at ang tanging sinabi niya ay, “Salamat po ng marami, balang araw babalik ako ditto. Tinatanaw ko itong malaking utang.” “Walang anuman ito anak.” Sambit ng matandang babae.
Isang malaking problema ang dumating sa buhay ng mag- ina. Nagkasakit ang bata. Hindi alam ng ina kung ano ang kanyang gagawin sapagkat wala siyang alam na pagkukunan ng pera para pampagamot. Lumapit siya sa kanyang mga kapit- bahay ngunit isa lang ang sagot nila, “Hayaan mo na ang anak mo mamamatay din siya.” Tumulo ang luha ng ina at hindi tumigil sa paghahanap ng tulong. Laglag ang kanyang balikat dahil wala man lang tumulong sa pagpapagamot ng kanyang anak. Nang nakarating na sa kanilang bahay ang ina, laking gulat ang matanda dahil wala doon ang kanyang maysakit na anak. Halos mabaliw siya sa paghahanap. Nagtanong- tanong siya sa kanilang kapitbahay hanggang may isang taong nakapagsabing may pumuntang babae sa kanilang bahay at kinuha ang kanyang anak. Humagulgol ng malakas ang ina at sinabing, “Anak ko! Patawarin mo ako at hinayaan kitang makuha ka ng taong hindi mo kilala. Hahanapin kita.” Hindi nagtagal ay dumating ang babae kasama ang masigla niyang anak. Yumakap ang bata at nasambit niya, “Nay magaling na ako. Tinulungan ako ng babaeng yun.” Sabay turo sa babae. “Binabalik ko lang po ang kabutihang ipinakita ninyo sa akin noong kailangan ko ang inyong tulong. Alam kong hindi pa sapat iyon dahil buhay ko ang inyong iniligtas.”
Sa bandang huli, tinulungan ng babae ang mag- ina. Kinuha niya ang mag- ina para doon na sa kanyang bahay manirahan. Hindi niya itinuring na katulong ang mga ito. Kundi itinuring niya itong parang kapamilya na rin niya. Pinag- aral niya ang bata at binihisan niya ang mag- ina ng magagandang damit. Hindi naman sinamantala ng mag- ina ang kabutihan ng babae.

Aral:
• Ang kahirapan ay hindi hadlang sa pagtulong sa kapwa.
• Ang mabuting gawa ay may kapalit na gantimpala.

No comments:

Post a Comment