Sunday, April 11, 2010

Ang Lobo at Ang Kambing

ni Ian Kristofer P. Agbayani

Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niya ang tumalon upang maka-ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.

Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang tinig ng lobo. "Marami bang tubig sa loob ng balon?" tanong nito sa lobo. "Oo, napakarami!" ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo.

Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang siya'y niloko lamang ng lobo. "Ngayo'y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito," ang sabi ng lobo. "Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito," ang sabi ng kambing.

"Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon."

"Papaano?"

Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. "Ako muna ang lalabas. At kapag nakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas," pangako nito. "Sige," ang sabi naman ng kambing.

Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing, "Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko."

Malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.

Aral:
Wag magtiwala agad sa mga taong di kakilala
Wag magsinungaling

Respeto Ni Jan Lanier Tolentino

Sa mahirap na bayan ng Konohagakure ay nakatira si Naruto at ang kanyang ama na si Minato. Si Minato ay isa lamang sa mga kalalakihang nagtratrabaho sa isang minahan. Mahigpit ang kanyang boss na si Tobi. Maliit lang ang binibigay ni Tobi na sahod sa kanyang mga manggagawa.

Si Naruto naman ay sadyang makulit na bata at lahat ng hinihiling niya gusto niyang napapasakanya. Kaya naman pinilit ni Minato na bigyan ng kasiyahan ang kanyang anak, lahat ng mga laruan na gusto ni Naruto ay pinaghihirapan ni Minato na bilhin kahit nahihirapan na siya, ang kanyang anak ang palaging nasa isip niya. Lahat ng naninirahan sa bayan ng Konohagakure ay kinamumuhian si Naruto dahil sa kawalan niya ng respeto sa mga tao lalo na sa kanyang ama kaya naman wala ring rumerespeto sa kanya.

Isang araw, nakita ni Naruto ang isang bagong laruan na nagkakahalaga ng limang beses na sahod ni Minato. Sinabi ni Minato ang katotohanan na hindi niya kaya ang presyo at bumili na lang sila ng ibang laruan. Nagalit si Naruto at pasigaw niyang sinabing “wala kang kwentang ama, ikaw ang may kasalanan kung bakit naghihirap tayo.!! Sana si mama na lang ang nasa posisyon mo!!!”. Nagulat si Minato at humingi na lang siya ng tawad kay Naruto. Sa gabing yun ay naglayas si Naruto at nagtago sa isang kwebang malapit lang sa bayan nila.

Kung saan-saan naghanap si Minato ng madiskobre niyang nawawala si Naruto. Hindi siya nawalan ng pag-asa. Si Naruto naman ay umuupo sa kweba na tila walang nangyari. Bahay pala yun ng isang oso na natutulog , nagising ito at bigla na lang nitong hinabol si Naruto. Sakto naming dumating si Minato at sinabi niya kay Naruto na bumalik sa bayan at susunod na lang siya. Agad na lang tumakbo si Naruto palayo sa kweba at patungo sa bayan para humingi ng tulong. Walang nakinig sa kanya. Umiyak na lang siya ng umiyak. Na-isip na niya kung gaano kaimportante si Minato sa kanya. Bigla na may humawak sa likuran niya at nakita niya ang kanyang tatay. Sobrang saya ni Naruto dahil hindi nawala ang nag-iisang taong rumerespeto at nagmamahal sa kanya.

Simula sa araw na iyon ay naging mabait na siya sa iba at rinerespeto na niya ang mga taong nasa kapaligiran niya lalo na kay Minato.

Aral: -respetuhin ang mga tao lalo na sa iyong mga magulang.
-Respetuhin mo ang iba kung gusto mong respetuhin ka rin nila.

Saturday, April 10, 2010

Isang Buhay Muna Ni Mark Ryan Namnama

Sa bayan ng konoha may dalawang sosyalito. Pawang mga anak na reyna at hari ng magkaibang kaharian. Lahat ng mga taong madaraanan nila ay hindi maaaring hindi tumingin sa kanila. Sobrang gara ng mga sasakyan, alahas, at iba pang gamit ng mga ito.
Tuwing nagdidisco ang dalawa pinagmamasdan sila ni Berto na naiinggit sa kakayanan ng dalawa sa usapang pera.
Iniisip lang ng dalawa ang ikaliligaya nila. Wala silang pakialam sa ibang mga bagay.
Gasto rito, gasto roon kahit walang kabuluhan ng bagay na ginagastahan.
“Amang hari, inang reyna lalabas po kami ng kaibigan kong si Seryo,” wika ni Prinsepe Reur.
“Walang lalabas mahal na Prinsepe” sagot ng kanyang amang hari.
Sa kabilang dako si Prinsepe Seryo ay naghihintay sa isang disco bar. Nang siya’y nainip at papaalis na biglang may sumigaw.
“Sandali lang,” wika nito.
Nakita naman agad ni Prinsepe Seryo ang magarang motorsiklo ni Prinsepe Reur na papalapit sa kanya.
“Tumakas lang ako sa kaharian namin,” wika ni Prinsepe Reur.
Lumakad na nga ang dalawa nagsaya sila hanggang sa sila ay nalasing. Umuwi lamang sila ng mag uumaga na.
Galit nag alit ang amang hari ni Prinsepe Reur sa kanya. Kinausap niya ang amang hari ni Prinsepe Seryo at sinabing ayaw niyang nagsasama ang mga anak nila dahil sa kalukuhang nagagawa nila.
Hanggang sa pinagbawalan din si Prinsepe Seryo ng kanyang mga magulang. Pero sumpang suwail na talaga ang dalawa at gumigimik pa rin sila ng palihim.
Isang gabi nasangkot ang dalawa sa isang gulo. Nakalitan nila ang grupo ni Berto na isa palang lider ng isang gang. Habang nagkakasakitan sila tumakbo ang isang lalake at bumalik kasama si Berto. Sinaksak kaagad ni Berto si Prinsepe Seryo ng kutsilyo at binugbog nila si Prinsepe Reur.
Huli na nang dumating ang mga pulis at itinakbo ang dalawa sa hospital.
Nalaman ng mga magulang ng dalawang Prinsepe ang nangyari sa kanila. Nag-aagaw buhay si Prinsepe Seryo habang si Prinsepe Reur ay puno ng mga pasa sa buong katawan.
Pagkaraan ng tatlong araw hindi na kinaya ni Prinsepe Seryo at namatay. Si Prinsepe Reur naman ay nababagabag ng kanyang konsensiya.
“Kung sana sinunod ko ang payo ng aking magulang at hindi ako nagging suwail di sana walang nangyari sa amin ng mahal kng kaibigan,” wika ni Prinsepe Reur.
Wala na ngang nagawa si Prinsepe Reur kundi tangapin ang nangyari masakit man ito. Nakiramay naman ang pamilya ni Prinsepe Reur kahit may sama ng loob sila sa kanya. Wala na silang magagawa dahil nangyari na.
Doon natuto nang sumunod si Prinsepe Reur sa kanyang mga magulang.


aral:
Kailangan sundin ang mga nakakatanda lalo na ang mga magulang dahil alam nila ang ikabubuti ng kanilang mga anak.

Sunday, March 14, 2010

Ang Kambal

ni: Karen Baraoidan

Sa bayan ng San Lorenzo, may mag-asawang pinagkalooban ng anak. Sina Samantha at Nichole ang kambal na babaeng anak ng mag-asawang G. Alfredo at Gng. Elizabeth Funtanilla.
Walang labis walang kulang ang pagkakahawig ng kanilang kambal. Sa mukha, sa kutis, sa tangkad, sa buhok at iba pa. Ngunit habang sila’y lumalaki, dito nakikita ang tunay nilang kaanyuan o “ugali.”
Ipinasok ng mag-asawang Funtanilla ang kanilang kambal na anak sa isang pribadong paaralan.
Sa kanilang dalawa si Nichole ang may pinakamagandang pag-uugali. Siya ay mabait, mapagbigay, mapagtimpi, magalang at higit sa lahat magaling. Ito naman ay kasalungat kay Samantha. Siya ay mayabang, tamad, mapagkutya, palaaway at walang pagseseryoso sa kanyang pag-aaral.
Sa paaralan labis ang pagkainggit ni Samantha kay Nichole, dahil sa ipinamamalas niyang katalinuhan. Kaya dito nagsimula ang hidwaan sa pagitan nilang magkambal.
Isang araw sa silid-aralan kung nasaan ang magkambal. Pumasok ang pangulo ng paaralan, “Good morning students, pumunta ako ngayon dito para sabihin sa inyo na may magaganap na tagisan ng talino sa pagkanta. Sino ang interesado sa inyo?” Nagtinginan ang magkambal, at nagtaas ng kamay si Samantha sabay titig kay Nichole at sinabi “Sir gusto ko pong sumali.” Nagtaka ang lahat, “Oh! Ms. Samantha Funtanilla, how about your kakambal Ms. Nichole?” Sumagot si Samantha “Si Nichole sasali eh hindi nga siya marunong kumanta. Tapos pasasalihin ninyo siya? Hay naku wag na” sabay tawa ng malakas. Hndi nakapagsalita ang Ginoo. At ngumiti lamang si Nichole at tinimpi ang galit na nararamdaman sa pang-iinsulto ng kanyang kakambal.
Araw-araw na nag-eensayo si Samantha. Halos mabulabog ang kanilang mga kapitbahay sa lakas ng kanyang pagpapatugtog.
Pagkaraan ng ilang araw sumapit na ang araw ng kompetisyon. Sabik na sabik si Samantha. At pumunta na sila sa paaralan kung saan gaganapin ang kompetisyon. Naiwan si Nichole sa kanilang bahay. Nang magsimula na ang programa nagkaroon ng problema si Samantha, sumabit ang kanyang lalamunan, ayaw lumabas ng boses niya at sisya’y napipiyok. Labis ang pag-aalala ng kanyang mga magulang. Kaya tinawagan ni Mrs. Funtanilla si Nichole. Habang nanonood si Nichole nag ring ang kanyang cell phone “Hello Ma bakit po? Tapos na po ba? Sinong nanalo?” Tanong ng dalaga at sumagot naman ang ina “Anak pumunta ka ngayon dito suotin mo yong damit na binili ko mamaya na ako magpapaliwanag, bilisan mo.” At binaba na ni Mrs. Funtanilla ang phone. At nagbihis nga si Nichole at pumunta sa kompetisyon.
Nang makarating na si Nichole pumunta siya agad sa likod ng stage kung nasaan ang kanyang mga magulang. At biglang tinawag ang pangalan ni Samantha. Kaya kinausap ni Mrs. Funtanilla si nichole na siya na ang pupunta sa entablado para kay Samantha. Sumunod naman si Nichole na kinakabahan at parang tanga na pumupunta sa entablado. At biglang may tinig na sumigaw “Anak kaya mo yan.” Paulit ulit na isinigaw ng kanyang ina.
Ginawa lahat ni Nichole ang kanyang makakaya. At matagumpay naman niya itong kinanta. Nagpalakpakan ang lahat at nagsigawan ang lahat “Samantha!, Samantha! Ang galling mo” Ngumiti lamang si Nichole sa kanilang isinisigaw. Labis ang pagkamangha ni Samantha sa kanyang narinig at nasaksihan. Para siyang natutunaw sa kanyang kinaroroonan. Hindi niya namalayang tumutulo na ang kanyang luha sa mukha. Pagkatapos kumanta si Nichole ay dali-dali itong bumaba sa entablado at umuwi na sa kanilang bahay. At maya-maya pa’y tinawag na nila ang nanalo. Sa mga tatlong tinawag niya wala pa doon ang champion. “And now ladies and gentlemen the winner is none other than Ms. Samantha Funtanilla.” Labis ang kasiyahan ng mag-asawa ngunit si Samantha ay nakokonsensya dahil alam niyang hndi siya yun. Kahit ganoon ang kanyang nararamdaman, para hindi siya mapahiya kinuha parin niya ang award.
At nang matapos na ito umuwi na ang mag-anak. Ngunit si Samantha ay tahimik lamang. Nadatnan nila si Nichole na nanonood ng TV. Nahihiyang lumapit si Samantha kay Nichole. “Nichole sorry sa mga nasabi ko, labis kitang kinutya, labis ang paghuhusga ko sa iyo. Sana mapatawad mo ako sorry talaga di na mauulit.” Walang nagawa si Nichole kundi patawarin ang kanyang kakambal.
Simula noon naging mabait na si Samantha. At nagkaroon sila ng magandang pagsasamahan at palagi na silang nagsasama sa mga katuwaan ng kanyang kakambal.

Aral:
• Huwag maliitin ang kakayahan ng iba
• Huwag mangutya
• Labis na paghanga sa sarili ; Huwag maging mapagmalaki

Ang Dalawang Anghel

ni: Queenie Rose S. Corpuz


Sina Anghel Cirrius at Anghel Cumulus ay naglalakbay. Napansin ni Anghel Cumulus na aabutan na sila ng dilim at nagpasyang makisuyo sa isang malaki at magandang bahay na kanilang nadaanan. Pagkatok ay pinagbuksan sila ng lalaking may-ari.
Anghel Cirrius: “Magandang gabi po. Maaari po ba kaming makapagpalipas ng gabi sa inyong bahay?”
Lalaki: “Ay naku! Wala na kasi kaming ekstrang kwarto kaya sa ibang bahay na lang kayo pumunta (sabay sara ng pinto.)”
Nagkibit balikat na lamang na umalis ang dalawang anghel. Napansin ni Anghel Cumulus na may inayos na sirang sahig sa bakuran ng malaking bahay si Anghel Cirrius bago sila umalis.
Sa kanilang paglalakad ay may nakita ulit si Anghel Cumulus na isang maliit at maralitang kubo at baka sakaling pasisilungin sila ng may-ari. Pagbukas ng pinto, nakita nila agad ang mag-asawa at dalawang maliliit nitong mga anak.
Ina: “A ganun ba? Oo nga’t lumalalim na ang gabi. Naku sige pasok kayo. Dito na kayo sa aming kwarto at pagpasensyahan nyo na ang aming maliit na papag.”
Nagpasalamat at nahiga ang dalawang anghel. Nauna nang nakatulog ng mahimbing ang isa. Si Anghel Cirrius ay nagpahangin muna sandal ng mapansin ang kalabaw ng mag-anak bago tuluyang natulog. Kinaumagahan ay nagising na lamang ang dalawa nang madinig ang malakas na iyak ng mag-anak. Sa kanilang paglapit ay nakita nilang namatay na noong gabing iyon ang kaisa-isang kalabaw ng mag-anak na siyang tanging pinagkukunan ng kanilang ikabubuhay.
Hinatak papalayo ni Anghel Cumulus si Anghel Cirrius sabay sabing, “Ano ka ba naman Cirrius. Hindi mo man lang pinigilan ang pagkamatay ng kalabaw samantalang pinatulog tayo ng maralitang mag-anak na ito sa kanilang bahay ng buong puso at pinatuloy pa sa kaisa-isa nilang papag at sila ay sa sala. Tapos doon sa malaking bahay, pinagtabuyan tayo pero nakuha mo pang ayusin ang sirang sahig sa kanilang bakuran…”
Anghel Cirrius: “Mali ka Cumulus. Kagabi ay bago ako matulog ay nakita ko ang anghel ng kamatayan para kunin ang buhay ng ina. Alam ko na magiging mahirap ang pagdadaanan kapag siya ang nawala. Kaya nakiusap akong imbes na ang kanilang ina ay ang kalabaw na lamang. Tungkol naman sa sirang sahig sa bakuran ng malaking bahay ay napansin ko kasi na ang laman ng butas na iyon ay ginto. Cumulus hindi karapat-dapat na malaman iyon ng may-ari ng bahay kaya naisipan kong takpan na lamang ito at ibigay sa mag-anak.”

Aral:
Lahat ng nangyayari sa ating buhay ay may kaakibat na dahilan, masakit man ito o hindi para sa ating kalooban. Hindi man natin malaman ang dahilan sa ngayon ay ang mahalagang naisapuso natin ay iyong dapat na tiwala natin sa Panginoon sa kanyang desisyon para sa ating buhay.