by Mark Joseph Respicio
Sa kaharian ng Hatoria, may isang haring ubod ng sakim sa kayamanan at kapangyarihan. Walang kasing lupit ang hari kaya't kinakatakutan siya ng marami. Lahat ng mga tao ay yumuyuko kung sakali man mapadaan ang hari upang magbigay galang. Ni isa ay walang maglalakas loob upang suwayin ang mga kautusan ng kanilang hari. Kamatayan ang s'yang naghihintay kung sakali mang mayroon susuway. Kaya't lahat ng mga tao ay patuloy na nakakulong sa kulungan ng kawalang kalayaan.
Isang araw, biglang napag isip-isip ng pinuno kung ano ba ang magiging buhay niya sa hinaharap. Kaya't nagpatawag siya ng magaling na manghuhula sa kanyang kaharian.
Hari: Ikaw manghuhula. Ano ba ang magiging buhay ko sa hinaharap? Sagot!
Sinabi ng manghuhula ang totoo na magkakaroon ng malaking pagbabago. Ang mataas ay siyang bababa. At ang mababa ay siyang tataas. Maghihirap siya at sasalagapak sa putik na s'ya niyang pinanggalingan.
Nagalit ang hari dahil hinulaan sia ng masama. Tuloy pinapatay niya ito sa kabila ng pagsabi ng totoo.
Nagpatawag uli ng manghuhula mula sa kanyang kaharian ang hari. Tinanong niya,"Ikaw manghuhula, ano ba ang iyong nakikita sa akinh hinaharap? Sagot!"
Sumagot ang manghuhula,"Mahal na hari, ikaw ay magkakaroon ng limpak-limpak na gintong salapi. Pulos kayamanan ang s'yang dadaung sa iyong mga palad.
Natuwa ng bahagya ang hari. Ngunit nagalit din ito dahil alam niyang pinipikot lamang siya at nagsisinungaling ang manghuhula. Kaya pinapatay rin niya ito.
Pagkaraan ng ilang mga araw, nakaisip na namang magpatawag ng manghuhula ang malupit na hari. Isang manghuhulang galing sa ibang kaharian at kilalang magaling sa panhuhula. Itinanong ng hari kung ano ba nag nakikita niya sa kanyang hinaharap.
Hinawakan niya ang palad ng hari at tinitigan niyang mabuti ngunit hindi agad sinabi ng manghuhula ang kanyang nakikita sa kanyang mga palad. Naalala niya ang nangyari sa dalawang manghuhulang kanyang pinatawag at pinatay matapos hulaan ang hari.
Nag-isip siya at sumagot ng,"Ako po ay may malalabong mga mata at nawawala ang aking mga salamin matapos po akong matisod sa may hardin. Hindi ko po makita o makakayang silipin man lang ang iyong hinaharap. Dahil po rito hindi ko matiyak at malaman kung ano ang s'yang nakaguhit sa iyong mga palad. Patawarin n'yo po ako, mahal na hari."
Kaya't nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang manghuhula dahil sa kanyang sagot.
ARAL:
Maging maingat at matalino sa pakikiharap sa taong mapanganib.

No comments:
Post a Comment